^

PSN Showbiz

Private plane at sa sosyal na hotel din naka check in: Ruffa sa pinakamagandang lugar sa Caribbean nagbabakasyon kasama ang future BF?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagbabakasyon sa Saint Barthelemy o St. Barths si Ruffa Gutierrez. Sosyal na lugar ang St. Barths dahil ito ang itinuturing na pinakamaganda sa Caribbean.

Nararating ang St. Barths sa pamamagitan ng private plane. Naka-check in si Ruffa sa Hotel Taiwana.

Marami ang naiintriga kung sino ang kasama ni Ruffa sa pagbabakasyon niya sa St. Barths. Mahirap sabihin na ang boyfriend ang kasama ni Ruffa dahil wala naman siyang boyfriend.

Sa interbyu sa kanya bago siya lumipad sa US, sinabi ni Ruffa na ready na ito na magkaroon ng boyfriend sa 2014 pero hindi pa niya alam kung sino dahil hindi pa raw sila nagkakakilala. Nasa St. Barths kaya ang future boyfriend ni Ruffa?

John lloyd at angelica strong ang love affair, mga nagsasabing hiwalay na supalpal

Nagbakasyon sa Tagaytay sina Angelica Pa­nganiban at John Lloyd Cruz. Nakita ang mag-dyowa noong Sabado sa sosyal na bahay ni Willie Revillame sa Tagaytay Highlands.

Mapapahiya ang mga nagsasabi na may problema ang relasyon nina Angelica at John Lloyd dahil going strong ang kanilang love affair.

Malamig ang klima ngayon sa Tagaytay kaya isa ito sa mga paboritong puntahan ng mga turista. Hindi na nila kailangan na bumiyahe sa Baguio City na may kalayuan. Hindi naman nagkakalayo ang weather sa Tagaytay City at Baguio City.

Kaleidoscope World ’di na pinanood, mapipirata pa!

Pinatulan ng Startalk ang balita na hiwalay na sina Sef Cadayona at Yassi Pressman. Parang hindi  ako nagulat na hiwalay na sila dahil hindi ko naman alam na may love affair ang dalawa.

Kung kailan may pelikula sila na kasali sa 39th Metro Manila Film Festival (MMFF), saka naghiwalay sina Yassi at Sef.

Pero sa kasamaang-palad, hindi nakatulong ang kanilang paghihiwalay para pag-usapan ang kanilang MMFF entry, ang Kaleidoscope World. Na-pull out pa rin sa mga sinehan ang Kaleidoscope World na number one sa walong pelikula ng MMFF na dinedma ng isnaberong moviegoers.

‘Yung mga type na panoorin ang Kaleidoscope World, nag-dialogue na aabangan na lang nila ang pirated DVD copies ng pelikula dahil hindi nga nila napanood sa mga sinehan. Ang tanong, may interesado ba na i-pirate ang movie nina Sef at Yassi? Ayaw ni OMB (Optical Media Board) Chair Ronnie Ricketts ng ganyan!

Buhay ni Betong kinaiingGitan ni Patricia Javier

High school classmates pala sina Patricia Javier at Betong Sumaya. Happy si Patricia para kay Betong dahil malayo na ang narating ng kanyang kaklase.

Nauna na maging artista si Patricia kesa kay Betong. Sumali noon si Patricia sa Bb. Pilipinas pero hindi si­nuwerte na manalo.

Sinubukan ni Patricia ang kapalaran niya sa showbiz at hindi naman siya nabigo. Naging contract star siya ng Viva Films at naging bida sa teleserye na Kirara ng GMA 7.

Ang sabi ni Betong, never na nagbago ang ugali ni Patricia. Ito pa rin daw ang Genesis Canlapan na naging kaklase niya noon sa isang school sa Antipolo City. Hindi pa rin daw nawawala ang kaseksihan ni Patricia, kahit dalawa na ang anak nito.

Kinukumbinsi ni Patricia ang kanyang American husband na si Rob Walcher na umuwi ng Pilipinas at magtayo ng clinic. Mahusay na chiropractor ang mister ni Patricia.

May offer noon kay Rob na magtrabaho sa isang prestigious hospital sa Mandaluyong City pero hindi niya tinanggap dahil hindi pa siya ready na manirahan sa Pilipinas. Si Patricia lang ang may gusto na umuwi sa Pilipinas dahil miss na miss na niya ang sariling bayan.                                         

vuukle comment

BAGUIO CITY

BETONG

DAHIL

KALEIDOSCOPE WORLD

PATRICIA

PILIPINAS

RUFFA

ST. BARTHS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with