^

PSN Showbiz

Gretchen iniyakan ang pagtestigo laban kay Claudine

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Naloka si Isabel Granada sa sobrang tra­ffic na sinuong niya papuntang GMA 7 para sa taping ng Celebrity Bluff nung nakaraang linggo.

Halos two hours na raw siyang late, kaya nag-MRT ito pero rush hour kasi iyun kaya nakipagsiksikan ito sa maraming pasahero sa MRT para makahabol lang sa taping ng programa ng GMA 7.

PAK : Traffic din ang idinahilan ng isang comedienne kaya hindi ito natuloy ang guesting sa isang celebrity talk show.

Pero hindi sana siya ma-late kung hindi pa siya coding. Naghintay lang daw siyang puwede nang lumabas dahil coding siya, pero dumaan din sa ma­tinding traffic, kaya mahigit dalawang oras din siyang hinintay pero wala pa rin.

 Kaya ang ending, isang celebrity na lang ang isinalang sa episode na iyun at hindi na si come­dienne.

Irita sa kanya ang mga staff dahil sana sinabi raw nitong problema niya ang coding, eh di sana pinasundo na lang siya.

Huli na lang niyang sinabi na coding pala siya pagkatapos niyang magpahintay ng matagal.

BOOM : Emotional si Gretchen Barretto sa mga ipinu-post niya sa kanyang Instagram account pag­katapos niyang mag-testify sa hearing kamakalawa ng umaga.

Kinagabihan ay may Christmas party ang pamil­ya na ginanap sa tahanan ni Marjorie Barretto.

Parang galing sa iyak si Gretchen sa mga litrato niya at may isa pa siyang ipinoste na kuhang nakayakap kay Tonyboy Cojuangco. Sabi nito: “After all that has been said and done, all I need is a tight embrace from my dada, all will be well.”

 Kasama rin sa party na iyun si Raymart Santiago at ang Mommy nito, na itinuturing pa ring pamilya nina Gretchen.

 

vuukle comment

CELEBRITY BLUFF

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

HULI

INSTAGRAM

ISABEL GRANADA

MARJORIE BARRETTO

RAYMART SANTIAGO

TONYBOY COJUANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with