^

PSN Showbiz

Matteo ipinagtanggol ang nanay ni Sarah, nagsalita na rin tungkol sa relasyon sa Pop Princess!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa Nov. 15 sa Smart Araneta Coliseum at November 30 sa SM MOA na gaganapin ang concert ni Sarah Geronimo. Napapabalitang espesyal sa puso ngayon ng Pop Princess si Matteo Guidicelli pero ayon sa aktor ay hindi pa niya alam kung makakapanood siya ng show ni Sarah.

“I don’t know. I don’t think so. I might have taping. I don’t know yet,” bungad ni Matteo.

Ilang taon na rin ang nakalilipas nang huling makapanood ng concert ni Sarah ang aktor.

“It’s really, really nice. I remember watching her concert five years ago in Batangas and Cebu. Now it’s her tenth year, so, congratulations! She’s amazing. The people love her. She’s very pure. She has a pure heart. She’s good at what she does. She has an amazing talent,” paglalarawan pa ng aktor.

Nababalita ring gusto raw ng mga magulang ng binata si Sarah para sa anak.

“I don’t know. I haven’t spoken to my mom yet. Hindi ko alam. Sana. It’s nice to love everybody and to like everyone because everybody deserves to be appreciated and respected,” nakangiting pahayag ng binata.

Nakilala at nakasama na rin ni Matteo ang mga magulang ni Sarah nang magkaroon ng show ang dalawa sa Amerika kamakailan. “They are cool. They’re just like any other family that just loves their daughter and loves their family very much. I guess all moms are strict, even my mom is strict. Everybody wants the best for their kids,” giit pa niya.

JC naghihintay sa magiging tulong ng makakatrabaho

Ngayong Nobyembre ay mapapanood na ang kauna-unahang teleserye ni JC de Vera sa Kapamilya Network na The Legal Wife. Makakasama ng aktor sa nasabing proyekto sina Angel Locsin, Jericho Rosales, at Maja Salvador kaya naman ngayon pa lamang ay kinakabahan na si JC.

“I am very nervous. As in sobrang scared, pero this is it. Ito na ang start ng aking journey dito sa ABS-CBN. So, I’m blessed. First time kong makasama itong mga ganitong klaseng artista. Until now, ako’y overwhelmed pa rin. At ’yun nga, very nervous pa rin kasi hindi ko alam kung gaano kagagaling itong mga ito,” pahayag ni JC.

Umaasa ang aktor na magiging maganda ang samahan nila ng kanyang co-stars.

“I’m hoping na marami silang maitulong sa akin pagdating sa acting. Happy ako na nakasali ako sa kanila kasi nga magandang experience itong unang show na gagawin ko kaya very blessed talaga,” giit ni JC.

Masayang-masaya rin ang binata dahil sa wakas ay regular na siyang mapapanood ng kanyang mga tagahanga sa Primetime Bida.

“Ako naman, ang gusto ko lang talaga is to work. At maybe hindi ako naging visible for a couple of times pero wala eh, nandito na ako ngayon eh. Mapapanood naman nila ako, slowly. Makikita nila ako dito sa ABS-CBN. Masaya ako na inaabangan nila ako. Gusto ko lang sanang maibalik sa kanila na huwag silang mag-alala kasi aayusin ko naman talaga ’yung work ko rito,” pagtatapos ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS   

                                                                        

 

vuukle comment

AKO

ANGEL LOCSIN

BATANGAS AND CEBU

JERICHO ROSALES

KAPAMILYA NETWORK

LEGAL WIFE

MAJA SALVADOR

MATTEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with