^

PSN Showbiz

Richard galit sa justice system!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Endorser si Jennylyn Mercado ng Revite Pigment Clarifying Laser ng Belo Medical Clinic pero nagpapasalamat siya sa isang online store dahil sa mga whitening product na ipinadala sa kanya. Conflict of interest.

SCENE: Naranasan ni Cesar Montano at ng kanyang tatlong anak na babae ang malakas na aftershock nang umuwi sila sa Bohol upang mamahagi ng tulong sa mga kababayan na nasalanta ng  magnitude 7.2 earthquake.

SEEN: Magkasama Tayo sa Kuwento ng Pasko ang pamagat ng Christmas 2013 station ID ng ABS-CBN. Ang mga coach ng The Voice Philippines na sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, at Bamboo, kasama ang apat na finalists ang umawit ng Magkasama Tayo sa Kuwento ng Pasko.

SCENE: Ang meaningful Instagram post ni Richard Gutierrez : Justice is oiled with money and influence. Insulated with pedigree, lineage.

SEEN: Malungkot ang mga mata ni Paulo Avelino sa presscon ng Status: It’s Complicated.

Inungkat sa presscon ang mutual split up ni Paulo at ng kanyang ex-girlfriend na si LJ Reyes.

SCENE: Nanggagalaiti sa galit si Freddie Aguilar sa abogado na hindi niya kilala pero idinemanda siya ng qualified seduction dahil sa kanyang pakikipagrelasyon sa 16-year old girl.

SEEN: Tapos na ang presscon ng Status: It’s Complicated nang dumating si Solenn Heussaff.

Hindi nakarating si Eugene Domingo sa presscon ng pelikula ng Regal Entertainment Inc. na ipalalabas sa mga sinehan sa November 6.

SCENE: Na-miss ng mga nanood ng Bekikang: Ang Nanay Kong Beki ang presence ni DJ Durano, ang ex-boyfriend ng direktor na si Wenn Deramas. Hindi nawawala si DJ sa mga pelikula ni Wenn noong may relasyon pa sila.

 

vuukle comment

ANG NANAY KONG BEKI

BELO MEDICAL CLINIC

CESAR MONTANO

EUGENE DOMINGO

FREDDIE AGUILAR

JENNYLYN MERCADO

KUWENTO

LEA SALONGA

MAGKASAMA TAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with