^

PSN Showbiz

Character actress ginawang kape ang abo nang namatay sa pinagteypingan na bahay!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kasama ni Regine Velasquez si Baby Nate na aalis patungong Amerika para sa Silver concert series niya.

Pero bago siya umalis ay nagbangko muna ng episode ang Asia’s Songbird para sa Sarap Diva.

Bukas sa Sarap Diva ay special guests nito si Joey Marquez kasama ang dalawa niyang anak na sina Winwyn at Yoej.

Aliw ang inihanda niyang “Di na Mauulit Muli” dish kasama ng mga tsikahan nila na walang ginagawa si Regine kundi tawa lang nang tawa kay Joey.

PAK: Sa pagpa­patuloy na patutsadahan nina Mo Twister at Ervic Vijandre, nagsalita na si Ervic na hindi na raw niya papatulan ang ano mang sasabihin pa ni Mo. 

“Gusto kasi niya ‘yung makiki-ride sa isyu. ‘Yung makisali para makabalik siya,” sabi ng Kapuso actor.

Ayaw na nga niyang banggitin ang pangalan man lang ni Mo.

BOOM: Itinatanggi ng mga production staff ng isang toprater na drama series ang kuwentong nagkamali ang isang character actress sa ininom niyang kape sa bahay na pinagteypingan nila.

Kuwento ng ilang nakasaksi, nagtimpla raw ng kape si character actress sa bahay na iyun, at naghanap daw ito ng bote ng kape na titimplahin niya.

Ang buong akala niya, kape ang nadampot niya pero hindi pala.

Nalaman lang niya nang tinikman ito na halos ikasuka niya dahil parang lasang abo raw ito.

Muntik na raw niyang nainom ang buong tasa, na ma­buti’t nagduda siya. Iyun pala, urn na ang na­dampot niya at abo pala iyun ng isang namayapang miyembro ng pamilya na nagmamay-ari ng bahay na iyun. 

Ang pagkakaalam namin, hindi pa alam ng may-ari ng bahay na nagalaw ni character actress ang urn na itinatago nila.

Kaya nung tinatanong namin ang staff, tigas ang tanggi nila dahil ayaw na nilang mapag-usapan pa iyun.

Kalurkee!

vuukle comment

ALIW

BABY NATE

ERVIC VIJANDRE

JOEY MARQUEZ

MAUULIT MULI

MO TWISTER

NIYA

REGINE VELASQUEZ

SARAP DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with