^

PSN Showbiz

Aktor suspek na ama sa buntis na empleyado ng isang network!­

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Alam kaya ng isang aktor na siya ang pi­­­naghihinalaang nakabuntis sa isang em­ple­ya­do ng network na kanyang pi­nag­liling­kuran? Bago raw magbuntis ang babae, sila ng aktor ang laging magkasama pati sa mga show outside Metro Manila.

Hindi raw maghiwalay ang aktor at ang babae at pati sa kuwarto ng aktor sa hotel kung saan siya naka-billet ’pag may show sa provinces ay kasama nito ang babae. Kapag tinatanong, ang laging sagot ay nag-uusap lang sila.

Kaya nang magbuntis ang babae, ang aktor agad ang naisip ng co-workers ng babae na ama nang ipinagbubuntis nito. Unfair ito sa aktor pero wala siyang ma­gagawa dahil siya ang laging nakikitang kasama ng girl bago ito magbuntis.

Sana lang magkaroon kami ng lakas ng loob na tanungin ang aktor sa tsismis sa kanya ’pag nagkaroon kami ng chance na makausap siya at sana hindi magalit.

Kris ginagawa ang mga hindi nagawa noong buhay pa si Presidente Cory

After Israel, sa parte ng Japan na hindi pa nila napupuntahan magbabakasyon sina Kris Aquino at mga anak na sina Joshua at Bimby. End ng October aalis ang mag-ina kaya time out muna si Bimby sa shooting ng My Little Bossings movie nila ni Ryzza Mae Dizon.

Post ni Kris sa Instagram (IG): “I want to experience visiting as many new, wonderful places with my sons. We’ll explore parts of Japan we’ve never been to.”

Dagdag pa niya, noong nabubuhay pa ang inang si former President Cory Aquino, hindi sila makapag-travel kahit gusto nila dahil na­ging president ito at nang wala na sa puwesto ay nagkasakit naman.

Rocco pinupuntahan ni Lovi sa gym kahit malayo sa bahay

Nag-taping na sina Rocco Nacino at Mariz Umali ng rea­lity show ng GMA 7 na Out of the Box. Ang alam ng aktor, every Saturday ang time slot nito, bago ang Wish Ko Lang. Kapag umere na ang OB, Monday to Sunday na mapapanood sa TV ang aktor at ang maganda, iba-iba ang kanyang gina­gawa.

Pero siyempre, ang soap na Akin Pa Rin ang Bukas ang pinaka-favorite ni Rocco sa kanyang mga show dahil kapareha niya rito si Lovi Poe na pi­naka-close at very special sa kan­ya. Sa sobrang close nga ng dalawa, keseho­dang sa Taguig City ang bahay ni Lovi, sa Elorde Gym branch sa Or­tigas, Pasig City na isa sa ow­ner si Rocco ito nagdyi-gym.

Teka, kailan kaya pupunta ng Sin­gapore si Rocco? May TV project itong gagawin sa Lion City kaya lang hindi pa puwedeng sabihin pero malaki ang maitutulong sa kanyang career.

Elmo at Janine tuwang-tuwa na na-meet sina Donna at Keempee

Tuwang-tuwa ang mga bida ng remake ng Villa Quintana na sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona dahil last week ay magkasunod nilang nakita ang original na gumanap sa role nina Lynette Villa Quintana at Isagani Samonte na sina Donna Cruz at Keempee de Leon, respectively.

Nakita ni Janine si Donna nang mag-guest ito sa Sunday All Stars last Sunday at kinabukasan, Monday, si Keempee naman ang nakita ni Elmo nang mag-guest sila ni Janine sa The Ryzza Mae Show. Sa studio ng Eat Bulaga, na isa si Keempee sa mga host, ginagawa ang show ni Ryzza Mae Dizon.

vuukle comment

AFTER ISRAEL

AKIN PA RIN

AKTOR

BIMBY

JANINE

KEEMPEE

ROCCO

RYZZA MAE DIZON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with