^

PSN Showbiz

Ryan at Eruption, sumayaw nang patiwarik

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumayaw patiwarik ang hosts ng It’s Showtime na sina Ryan Bang at Eric ‘Eruption’ Tai sa kanilang pasabog na pagtatanghal nitong Lunes (Oct 21) para sa Magpasikat Week bilang bahagi ng selebrasyon ng ikaapat na anibersaryo ng Kapamilya noontime show.

Ipinamalas din ni Eruption ang kanyang husay sa pagtugtog ng piano habang sumayaw si Ryan ng ballet sa saliw nito.

Ang Magpasikat Week ay taunang tradisyon at pasiklaban ng hosts ng It’s Showtime kung saan ang winning team ay makakakuha ng P100,000 para sa kanilang napiling charity.

Lalabanan nina Ryan at Eruption ang kapwa hosts na sina Karylle, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz (Martes), Vhong Navarro, Billy Crawford, at Coleen Garcia (Miyerkules), Vice Ganda and Kuya Kim Atienza (Huwebes), and Anne Curtis and Jhong Hilario (Biyernes).

Nagkagulatan man ang hosts sa kanilang pagpapareha na naging resulta ng isang bunutan, ina­a­sahang magkakaroon sila ng kanya-kanyang pa­sa­bog at gimik sa performances na isang buwan nilang pinaghandaan.

Bago pa man ang pasiklaban ng hosts, itinanghal na grand winner ng Pinoy Halo-Halo ang 11 anyos na Filipino-Chinese na si Francis Ryan Lim para sa makatinding-balahibong pagkanta niya ng Listen. Nagwagi rin siya ng P300,000 matapos labanan ang iba pang global Pinoys sa talent competition.

Panalo naman bilang first runner-up ang Filipino-Korean na si Seongki Min at second runner-up ang Filipino-Taiwanese na si Chelsea Tenzin Lee. Nag-uwi sila ng P200,000 at P100,000.

vuukle comment

ANG MAGPASIKAT WEEK

ANNE CURTIS AND JHONG HILARIO

BILLY CRAWFORD

CHELSEA TENZIN LEE

COLEEN GARCIA

FRANCIS RYAN LIM

JUGS JUGUETA

MAGPASIKAT WEEK

PINOY HALO-HALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with