^

PSN Showbiz

Marian at Rhian nagbatian!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagkita kahapon sina Marian Rivera at Rhian Ramos sa birthday party ng anak ng GMA News reporter na si Aubrey Carampel.

Nagbatian ang dalawa at isa lang ang ibig sabihin nito, hindi totoo ang mga tsismis na nag-iisnaban sila dahil si Rhian ang kapareha ni Dingdong Dantes sa Genesis.

Secure na secure si Marian sa love ni Dingdong. Walang dahilan para magselos siya sa ibang babae.

Sharmaine nag-aalala sa nawalang aso na may sakit

Magbibigay ng reward si Sharmaine Arnaiz sa sinuman na makapagbabalik sa kanyang aso na nawala kahapon. Worried na worried si Sharmaine dahil under medication ang kanyang pet dog na nakawala mula sa pagkakatali.

Nagsimba kahapon si Sharmaine at ang pamilya niya, pagbalik nila ng bahay, missing na ang dog. Nasuyod na nila ang lahat ng mga kalye sa kanilang lugar pero nabigo sila na makita ang aso.

Hiningi na ni Sharmaine ang tulong ng kanyang mga kaibigan at naka-post na rin sa social media ang litrato ng doggie. Sa makakakita sa aso, mangyari na dalhin siya sa #25 Mayaman St., U.P. Village, Quezon City.

Nakasuot ng green sando na may tatak na La Salle ang pet dog ni Sharmaine at siguro naman, hindi taga-UST ang nakakuha sa kanya ’no?

Ramon pinagmumukhang hunk ni Jinri

Hunk na hunk ang dating ni Ramon Bautista nang umapir siya sa What’s Up Doods? sa TV5 noong Sabado at idinenay niya kay Edu Manzano na may relasyon sila ng Korean sexy star na si Jinri Park.

 Ang sey ni Ramon, friends lamang sila ni Jinri na umamin na attracted sa kanya dahil malakas ang sense of humor niya. Nagpapasalamat si Ramon sa mga papuri ni Jinri sa kanya pero nagtataka siya dahil parang ayaw paniwalaan ng ibang mga tao na malakas ang dating niya sa girls.

Dennis at Tom nagpatakam na pero bitin

Hindi dapat malungkot ang fans ng My Husband’s Lover na hindi nakapanood sa farewell concert ng cast sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado.

Mapapanood sa GMA 7 ang concert at malamang na ipalabas ito pagkatapos ng last day ng My Husband’s Lover sa Biyernes.

Pahulaan sa mga beki ang kissing scene nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa huling episode ng kanilang beki serye. Pero ipinakita na sa concert ang teaser ng pinag-uusapan na halikan pero bitin ito as in itutuloy sa nalalapit na ending ng My Husband’s Lover.

Megan nakaapak pa rin sa lupa

Delayed ang telecast kahapon ng Sunday All Stars (SAS) dahil sa boxing fight nina Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez.

Tinutukan ko ang SAS dahil guest si Lorna Tolentino na nag-promote ng Genesis at naging isa sa mga judge sa mga production number ng mga artista ng Sunday noontime show ng GMA 7.

Nasimulan ko ang Sunday All Stars kaya nakita ko ang guesting ni Megan Young at ng kanyang ina at mga kapatid. Matagal na yatang naninirahan sa Amerika ang madir ni Megan dahil mas thick ang kanyang American accent kesa sa mga anak niya.

Nakabibilib talaga si Megan dahil nagsasalita siya sa wikang Pinoy sa mga interview sa kanya, kahit may karapatan siya na mag-English. Wala sa personality ni Megan na magiging malaki ang kanyang ulo dahil sa Miss World crown na napanalunan niya. Nakakatuwa na nakaapak pa rin siya sa lupa.

 

vuukle comment

AUBREY CARAMPEL

DAHIL

JINRI

MEGAN

MY HUSBAND

SHARMAINE

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with