^

PSN Showbiz

Mader Ricky may solusyon sa nakakalbong buhok at pudpod na pilikmata

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tutok lang sa programa ng GMA News TV na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado alas-nuwebe ng umaga para tung­hayan ang mga kakaibang istorya ng mga tao sa ating kapaligiran.

Unang-una’y ipakikita sa show ang sakripisyo ng mga guro at kung anong mga bagay ang naka­pagbibigay sa kanila ng simpleng kaligayahan sa buhay.

Kung ang problema’y manipis at nakakalbong buhok at pudpod na pilikmata, may back to back make over na isasampol ang host-producer na si Mader Ricky Reyes. Kahit saang sangay ng Gandang Ricky Reyes Salon ay mayroong human hair wig at magic eyelash na parehong madaling ikabit, maaaring basain, at pangmatagalan.

Hahanga naman kayo sa itinanghal na exhibit ng Philippine School of Interior Design (PSID) na dinaluhan ng GRR TNT crew. Ipinakita ng mga estudyante at graduate ng nasabing eskuwela kung paano mabibigyan ng magandang pagbabago ang inyong bahay lalo na sa master’s bedroom, sala, kusina, atbp. sa pamamagitan ng makaba­gong disen­yo at kaayusan na kaya ng bulsa.

Ipakikita naman ng star chef na si Mel Martinez ang paraan ng pagluluto at mga sangkap na ginagamit kaya bilib sa kanya ang mga customer na dumarayo sa kanyang Cucina ni Bunso sa Kyusi.

Lahat ng ito sa GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision at napapanood tuwing Sabado.

vuukle comment

BUNSO

CUCINA

GANDANG RICKY REYES SALON

GANDANG RICKY REYES TODO NA TOH

MADER RICKY REYES

MEL MARTINEZ

PHILIPPINE SCHOOL OF INTERIOR DESIGN

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with