^

PSN Showbiz

Robin parating special request si Mylene

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

“Pamangkin” na ang tawag ni Robin Padilla kay Neil Arce, producer niya ng 10,000 Hours at boyfriend ng pamangkin niyang si Bela Padilla at ang dating nito sa press, tanggap niya si Neil na partner ng kamang-anak. Malaki rin ang pasasa­lamat ni Ro­bin kay Neil dahil dinala sila sa Ams­terdam para mag-shooting, first time raw niyang makipagbarilan sa ibang bansa.

Special request ni Robin si Mylene Dizon na maka­pareha dahil bilib siya sa galing nitong umarte. After makasama sa Basta Kasama Kita, sina-suggest si Mylene at dito lang sa 10,000 Hours natuloy. Hindi rin isyu sa aktor kung malalaki na ang mga anak niya sa movie dahil malalaki na rin naman ang mga anak niya sa totoong buhay at masarap maging ama.

Pinakamahirap na eksena para kay Robin ang  action scenes niya dahil wala siyang double at makabago pa ang mga gamit ng production. Mabuti na lang daw at nag-eensayo siya dahil kung hindi, baka napahiya siya sa mga puti na ka-eksena.

Entry sa Metro Manila Film Festival  ang 10,000 Hours, the only action film at umaasa ito, mga producer at cast na panonoorin ang pe­likula. Kahit matagal pa, pina-plano na nina Neil, Boy 2 Quizon, at Nick Juban ang concept ng float nila para sa MFF Parade at ang grand presscon na mala-Amazing Race.

Jasmine Curtis pinakawalan na ng TV5

Nakita namin si Betchay Vidanes, mana­ger nina Robin Padilla at ni Jasmine Curtis-Smith sa shooting ng 10,000 Hours na pinagbibidahan ng aktor. Kinumusta namin sa kanya si Jasmine at kung ano ang next show nito sa TV5?

Sagot ni Bechay expired na ang kontrata sa TV5 ni Jasmine at sa tanong kung magre-renew sila ng kontrata sa network, nag-smile lang ito at hindi sumagot. Hindi rin ito sumagot sa follow-up question namin kung ililipat niya sa ibang network ang aktres, halimbawa sa ABS-CBN?

Kapag inilipat ni Bechay sa ABS-CBN si Jasmine, makakasama na nito ang kapatid na si Anne Curtis at ang boyfriend na si Sam Concepcion. 

Kylie ipapareha sa iba

Tuloy ang pag-i-introduce ng GMA-7 ng bagong love team sa kanilang mga show and after Kristoffer Martin and Julie Anne San Jose in Kahit Nasaan Ka? and Elmo Magalona and Janine Gutierrez in Villa Quintana, isa pang new love team ang kanilang ipapakilala.

Ang tinutukoy namin ay ang love team nina Mikael Daez at Kylie Padilla na mapapanood sa Adarna, pero makakapareha rin daw ni Kylie sina Benjamin Alves at isa pang newcomer. Ang narinig naming pangalang itatambal sa aktres ay si Rafa Siguion-Reyna, anak nina directors Carlos Siguion-Reyna and Bibeth Orteza. Nag-goo see yata last Tuesday ang binata.

Titingnan na lang siguro ng GMA-7 kung ka­nino kina Mikael, Benjamin, at Rafa mas magki-klik si Kylie. Tuwang-tuwa raw si Kylie hindi lang dahil sa bagong show kundi dahil din sa telebabad ito ilalagay ng network at first time ng dalaga magkaroon ng soap sa primetime.

Wala pang ibang cast, pero si Ricky Da­vao ang di­rector at November daw ang airing nito? Ano kaya ang papalitan ng Adarna na tungkol yata sa ibong kumakanta.

vuukle comment

ADARNA

AMAZING RACE

ANNE CURTIS

BASTA KASAMA KITA

BECHAY

BELA PADILLA

NEIL

ROBIN PADILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with