^

PSN Showbiz

Kapamilya at Kapuso mag-uunahan sa pagsalubong kay Megan!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi nagtagumpay ang online detractors ng actress turned beauty queen na si Megan Young para ma-disqualify at hindi manalo sa katatapos lamang na Miss World 2013 competition na ginanap sa Bali, Indonesia last Sept. 28. From the very start ng competition ay early favorite na si Megan kaya ganoon na lamang ang pagkatuwa ng kanyang mga kababayan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo sa tagum­pay na kanyang nakuha.

She did not only take home the title and crown but she also made history dahil siya ang kauna-unahang Filipina na nakapag-uwi ng Miss World crown na naging mailap sa atin for the last 63 years ng existence ng Miss World na binuo ng yumaong si Eric Morley ng United Kingdom in 1951. His wife, Julia Morley, being the vice chair of the organization took over nang sumaka­bilang buhay ang kanyang mister in 2000.

Historical din ang ating first runner-up noong 1973 na si Evangeline Pascual na tumanggi sa crown at title matapos ma-dethrone ang nanalong Miss World na si Marjorie Wallace ng US.

Traditionally, kailangang manirahan sa loob ng isang taon ang reigning Miss World kaya bye-bye muna si Megan sa kanyang showbiz activities  at pa­giging Kapamilya at maging sa kanyang rumored boyfriend, ang Kapuso hunk na si Mikael Daez. Isang taon na gagampanan ng beauty queen ang duties and responsibilities sa mga charity project ng organisasyon.

For sure, si Pangulong Noynoy Aquino ang unang-unang pupuntahan niya sa Malacañang. May warm welcome rin sa kanya ang ABS-CBN bilang contract star nila at ang GMA bilang media partner ng Miss World Philippines bagama’t dati rin siyang Kapuso.

Hindi na siguro mahalaga kung siya’y Kapamilya o Kapuso, ang importante ay nagkakaisa ang buong Sambayanang Pilipinas sa pagbubunyi sa kanyang panalo bilang kauna-unahang Filipina na naging Miss World.

May common denominator sina Ruffa Gutierrez at Megan sa kanilang pagiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss World competition at ito’y dahil pareho silang nagsimula sa showbiz bago sila sumali sa beauty contest.

Malaking advantage sa dalawa ang kanilang pag­­sisimula ng showbiz dahil na-develop nila ng husto ang kanilang self-confidence at kung paano ma­kisalamuha sa tao. This alone ay malaking edge na nila over the other candidates na walang ga­anong experience and exposure sa tao.

Dahil sa sinimulan nina Ruffa at Megan, malamang na marami pang ibang kabataang aktres na may potential na maging beauty queen ang susunod sa kanilang mga yapak. Nariyan sina Isabelle Daza, WynWyn Marquez, at iba pa.

Personal:  

My deepest and heartfelt sympathy sa family ng beauty czar na si Mader Ricky Reyes sa pagyao ng kanilang mahal na ina, si Mama Ada last Sunday (Sept. 29) morning.

Ang mga labi ni Mama Ada (94) ay nakalagak nga­yon sa Premier Suite 1 sa Loyola Guadalupe, Makati City until Wednesday night.

 

vuukle comment

ERIC MORLEY

EVANGELINE PASCUAL

KAPUSO

MAMA ADA

MEGAN

MISS

MISS WORLD

SHY

WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with