^

PSN Showbiz

Concert nina Charice at Aiza binangga ang Miss World

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Ngek, kagabi pala ginanap ang concert nina Charice at Aiza Seguerra sa Araneta Coliseum. Wala man lang kaingay-ingay. As in parang inilihim.

Marami kayang nanood? Eh nakasabay pa nila ang coronation night ng Miss World 2013 kung saan inabangan si Megan Young at ang finals ng The Voice of the Philippines kaya maraming nagsiuwian ng maaga para mapanood ang dalawang malaking TV event.

Eh sa concert ng dalawa, pareho na silang napapanood sa TV na kumakanta at parang nawala  na ang mystery nila dahil pareho na silang nagladlad.

Ni walang idea ang fans kung ano ang ginawa nila sa concert sa true lang.

Ang kuwento pa nga, ang dami raw ipinamigay na ticket.

Eh umulan pa at hindi pa suweldo.

OMG. Sayang naman ang effort ng dalawang lesbian singer.

Mike Enriquez ‘inisnab’ si George Benson

Hindi malimut-limutan ng isa kong friend ang ginawa ni Mr. Mike Enriquez sa concert nina George Benson at Patti Austin sa Araneta Coliseum three weeks ago.

Hindi naman shocking. Ang kuwento ng friend ko na nasa second row ng Araneta sa nasabing concert,  nasa harapan niya - front row – ang batikang TV journalist. Pero dedma raw ito habang nagpapalakpakan at tumatayo ang audience particular na kay George Benson. Sumesenyas na raw ang kasama ng Grammy Award-winning American musician na tumayo naman ang audience pero wala raw reaction si Mr. Enriguez.

Ang friend ko tuloy ang nahiya kasi pansin na pansin daw ang Kapuso broadcaster dahil nasa harap na harap nga siya.

Samantalang siya raw kahit matindi ang back pain nang manood, tumayo siya dahil nahihiya siya sa singer na guest nga ni Patti Austin. Nothing’s Gonna Change My Love For You ang isa sa mga kantang pinasikat ni Mr. Benson.

Ganitung-ganito rin noon ang kuwento ng friend kong ito tungkol sa concert ng 70’s musical legends na America and Kalapana sa Araneta last year. Reserved ang front row kay President Noynoy Aquino and his entourage pero piniling umupo ng pangulo sa lower box kaya ang nag-occupy ng front row seats, ang kanyang PSG.

Fair point. Kakahiya naman talaga sa mga dumadayong American singer na iniisnab-isnab sila ng mga nasa harapan.

Claudine at Marjorie ‘nagkita’ sa eskuwelahan ng kanilang mga anak

Nasa iisang eskuwelahan lang pala ang anak nina Claudine and Marjorie Barretto. Kahapon ay magkasunuran silang nag-post sa kanilang Instagram account ng kani-kanilang litrato sa  Salo Salo Fiesta Fair sa Ateneo kasama ang kani-kanilang mga anak.

Mas ahead ang anak ni Marjorie na si Leon kesa sa anak ni Claudine na si Santino.

Hmmm. Hindi man lang kaya sila nagkita sa Ate­neo?

Mortal na magka-away ngayon ang dalawa lalo na nga’t sinabi pa ni Marjorie na ‘mentally Ill’ ang kanilang bunsong kapatid.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

AMERICA AND KALAPANA

ARANETA

ARANETA COLISEUM

CLAUDINE

CLAUDINE AND MARJORIE BARRETTO

GEORGE BENSON

GONNA CHANGE MY LOVE FOR YOU

PATTI AUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with