^

PSN Showbiz

Megan Young angat na angat sa Miss World

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ngayon pala ang flight ng Young family sa Bali, Indonesia dahil bukas na ang coronation night ng Miss World 2013.

Makakatulong ang presence at suporta ng mga Young para madagdagan ang confidence ni Megan na hinuhulaan na gagawa ng kasaysayan sa Miss World.

Sana nga, masungkit ni Megan ang mailap na korona at title ng Miss World. In fairness kay Megan, standout ang kanyang beauty sa beauty pageant na sinalihan dahil regal na regal ang bearing niya.

Jollibee sumusumpang walang pork ang hamburger, 100% pure beef ang kanila

Umiral na naman ang kalokohan ng mga Pinoy dahil binanggit ni Sen. Jinggoy Estrada sa privilege speech nito ang paggastos ni Congressman Neptali Gonzales, Jr. sa Jollibee ng anim na milyong piso.

Ang say ni Papa Jinggoy, “Meron pa ngang nakita ang COA na 6 million pesos worth of transactions sa Jollibee! Ano ito? 6 million pesos worth ng Chickenjoy, hamburger, at jolly hotdog? Langhap na langhap ang sarap, hindi po ba?”

May nagsabi sa akin na kumakalat ngayon sa Facebook ang picture ni Jollibee mascot na may caption na, “Dahil sa revelation ni Senator Jinggoy Estrada, ipinatawag si Jollibee sa senado para tumestigo. Ayon sa sinumpaang salaysay ni Jollibee, wala raw kabahid-bahid ng pork ang kanilang hamburger dahil ito ay 100% pure beef.”                                          

Golden Boy ni Gov. ER damay sa disqualification?!

Shocked ang mga taga-Laguna sa balita na pumutok kahapon, ang disqualification ni Gov. ER Ejercito bilang gobernador ng kanilang lalawigan.

Ang First Division ng Commission on Elections (Comelec) ang nag-disqualify kay Papa ER dahil sa kaso ng overspending noong nakaraang eleksiyon. Sa ilalim ng batas, P4.5 million lamang ang dapat gastusin ng isang gubernatorial candidate sa kanyang kampanya pero umabot daw sa P6 million ang ginastos ni Papa ER.

Binigyan ng Comelec si Papa ER ng limang araw para mag-file ng motion for reconsideration at waiting ang lahat sa reaksyon niya sa desisyon na alisin siya sa puwesto.

To the rescue kay Papa ER ang kanyang pinsan, si Sen. JV Ejercito na nag-tweet agad tungkol sa nangyari.

“Disqualification case against my cousin Gov. ER Ejercito has partisan politics written all over it. Gov. ER won overwhelmingly,” ang tweet ni Papa JV.

Nakatutok ang atensiyon ng lahat sa mangyayari sa kapitolyo ng Laguna. Papayag ba si Papa ER na basta na lamang lisanin ang kanyang puwesto? Siyempre, hindi rin papayag ang mga supporter niya.

Si Papa ER ang pangatlo sa mga showbiz personality na nasangkot sa kontrobersiya sa taong ito. Nauna na ang kanyang pinsan, si Sen. Jinggoy Estrada at si Sen. Bong Revilla, Jr.

Teka, paano na ang Alyas Boy Golden, ang action movie na official entry ng Scenema Concept at Viva Films sa Metro Manila Film Festival 2013? Si Papa ER ang bida sa Alyas Boy Golden at leading lady niya si KC Concepcion na excited pa naman dahil nabigyan siya ng opportunity na makagawa ng isang action movie.

Benhur nakaka-nega ang hairdo

Umapir kahapon sa Senado ang mga whistle-blower dahil sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa pork barrel scam ng Blue Ribbon Committee.

Na-sight ko na naman ang whistle-blower na si Benhur Luy kaya na-bother uli ako sa kanyang mala-Mayor Antonio Sanchez na hairdo. Wish ko lang, payuhan si Benhur ni Justice Secretary Leila de Lima na magpagupit dahil nakaka-nega ng      image ang kanyang buhok. Mas maayos pa ang hairdo ng madir niya na umapir din kahapon sa Sena­te hearing. Mura lang naman ang bayad sa haircut ’no?!

 

vuukle comment

ALYAS BOY GOLDEN

DAHIL

EJERCITO

JINGGOY ESTRADA

JOLLIBEE

MEGAN

MISS WORLD

PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with