^

PSN Showbiz

Ruru, ikinakasa na ang kasal kay Bianca!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ruru, ikinakasa na ang kasal kay Bianca!
Ruru Madrid at Bianca Umali
STAR/File

Suportado ng Kapuso stars ang premiere night ng pelikulang Playtime ng GMA at Viva Films.

Ginanap ang celebrity premiere sa Cinema 3 ng SM The Block at ang isa sa maagang dumating ay si Billy Crawford.

Male-late raw kasi ng dating si Coleen Garcia, kaya sabi ni Billy siya na raw muna ang mag-represent sa kanyang asawa na isa sa mga bida sa pelikula.

Masaya lang daw si Billy dahil nagi­ging fan daw muna siya ngayon kay Coleen na nagpapaka-active na sa paggawa ng pelikula.

Siya naman ay mas may time raw ngayon sa kanilang anak na si Amari.

“I feel happy. I get to spend time now with my son. So, ako naman ang sumasalo para sa kanya. Ito lang ‘yung pagkakataon namin na at least sabay kami nandito,” saad ni Billy.

Bukod kay Billy, dumating din si Rochelle Pangilinan na naging close pala kay Xian Lim nang magsama sila sa mini seryeng False Positive.

Excited naman si Rochelle sa pagtsika sa amin ng Pulang Araw na sobrang proud siya na naging bahagi siya sa seryeng ito.

Dumating din ang magkasintahang Ruru Madrid at Bianca Umali na nakorner namin bago sila pinarampa sa kulay green na carpet.

Tinanong namin kung may pressure ba sa kanilang pagsasama kapag may nababalitaang nagpapakasal, kagaya nina Carlo Aquino at Charlie Dizon. “Siguro napapag-usapan at napapag­handaan. ‘Yun na lang,” pakli ni Bianca sa tanong namin kung napapag-usapan na ba nila ito ni Ruru.

“Siyempre, tito, dapat by now nandun na ‘yung pag-iisip namin. Kasi, six years na rin kami e. Parang ‘yung mga plano na rin namin siyempre abot sa future namin. Kaya rin namin ito ginagawa at pinagbubutihan,” dugtong naman ni Ruru.

Para kay Bianca, simpleng kasalan lang ang gusto niya, basta ang mahalaga ay magiging bahagi ang kanyang lola.

“Noon may dream setup pa ako. Pero ngayon gusto ko lang maabutan ng lola ko. Siya ang mag­hahatid sa akin, dahil siya ang bumuhay sa akin,” seryosong pahayag ni Bianca.

“Noted ako diyan,” napangiting pakli ni Ruru.

“Kailangan na pong ikasa. Actually noon pa man nakakasa na,” dagdag niyang pahayag.

Xian, bawal nang sagutin ang tungkol sa relasyon

Obvious na iniiwas si Xian Lim na ma-interview ng entertainment press sa premiere night ng Playtime.

Nag-utos na ang management ng aktor sa Viva Artist Agency na huwag na siyang magsalita ng kahit na anong tanong tungkol kay Kim Chiu o kahit sa paksang relasyon.

At nagmadali si Xian nang saglit ko siyang tinanong tungkol sa pelikula.

Nagpataba raw kasi siya sa pelikulang ito, at mapapanood daw kung bakit kailangang magdagdag siya ng timbang. “I think around 220 pounds,” tipid na sagot niya sa tanong namin kung ilan ang nadag­dag niyang timbang para rito.

Pero mukhang na-lose na ito ng aktor, dahil bumalik na rin naman ang ganda ng katawan niya.

Ibang-iba ang ginampanan ni Xian sa pelikulang ito na napapaigtad ka sa mga suspense na eksena.

Bukod kay Coleen, kasama rin ni Xian dito sina Sanya Lopez at Faye Lorenzo, sa ilalim ng direksyon at konsepto rin ni direk Mark Reyes.

Nag-showing na ang Playtime sa mga sinehan kahapon.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with