^

PSN Showbiz

Piolo, ngayon lang sumawsaw sa pulitika

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Piolo, ngayon lang sumawsaw sa pulitika
Piolo Pascual
STAR/File

Simula ngayong Lunes ay mapapanood na ang Pamilya Sagrado na pinagbibidahan ni Piolo Pascual. Para sa aktor ay talagang dapat pakaabangan ng mga manonood ang bagong programang ito mula sa Dreamscape Entertainment. Gagampanan ni Piolo ang karak­ter ni Governor Rafael Sagrado sa naturang serye. “Taking on this cha­racter, responsibilidad ng isang artista sa tingin nila hindi pa napanood ng tao. When this was offered to me, it wasn’t about being a bad guy. But it’s all about redemption. It’s not all bad naman throughout. Makikita mo ‘yung pagbabago not just being a politician but also a father. So ‘yon talaga ‘yung nagustuhan ko sa role na ito,” pagdedetalye ni Piolo.

Ngayon lamang naranasan ng aktor na gumanap bilang isang pulitiko. Kinakailangan umanong maging maingat ni Piolo sa kanyang mga pananalita at kilos sa serye upang maging maayos ang pagganap. “Playing the role of a corrupt politician is something I haven’t done before. It’s like walking on eggshells because ayaw mong masabihan na may pinapatamaan ka. Because at the end of the day, this show is fictional. So, we’re trying to be careful at the same time. We really wanna mirror society as if it’s happening nowadays. I’m just an artist, I’m a talent and I want to personify a certain character,” paliwanag niya.

Samantala, napahanga umano si Piolo sa mga nakababatang aktor na katrabaho ngayon na sina Kyle Echarri at Grae Fernandez. Para sa Ultimate Heartthrob ay parehong magaling na aktor ang dalawa. “It was really nice working with these guys. What they bring to the table, mai-inspire ka. Hindi sila basta nakikinig sa direktor or acting coach. They bring something else na galing sa kanila mismo. As my character is progressing, sila din mismo they do their homework by suggesting and talking it with our directors. They also have something to contribute,” kwento niya.

Andi, hinihintay ang tamang panahon para sa kasal

Taong 2020 nang mag-propose ng kasal si Philmar Alipayo kay Andi Eigenmann. Mayroon nang dalawang anak ang magkasintahan. Magpapakasal dapat ngayong taon sina Andi at Philmar pero nakansela ang plano dahil sa pagpanaw ng ina ng aktres na si Jaclyn Jose kamakailan. Ayon kay Andi ay talagang isa ang namayapang ina sa mga dahilan ng kanilang pinaplanong pag-iisang-dibdib ng surfer. “Ang pagpapakasal namin ni Philmar is also mostly for her. Kasi kami ni Philmar kahit hindi kami magpakasal, asawa ko na ‘yan, asawa na namin ang isa’t isa. Para sa akin ayun ang mahalaga pero alam ko magiging masaya si Nanay kapag nagpakasal. To me, she’s my most important guest at that wedding, supposedly,” pagbabahagi sa amin ni Andi.

Naghihintay na lamang ang magkasintahan ngayon ng tamang panahon kung kailan paplanuhing muli ang kanilang pagpapakasal. “We are still gonna get married. It is still in the plan, and it is something that we want din naman I just wanted to do it for her, but that’s not the only reason,” giit ng aktres.

Mahirap sa kalooban ni Andi na mangyayari ang kasal na hindi na kapiling ang mga magulang. Matatandaang pumanaw ang amang si Mark Gil noong 2014 at ang tiyahing si Cherie Gil noong 2022. “It’s just a bit sad because it’s just a big milestone in anybody’s life is to get married din. My dad is not around, my mom and Tita Cherie. So ang hirap para sa akin na isipin ‘yon. Kasi ito ‘yung mga importanteng tao sa buhay ko, at unti-unti na sila nawawala. Akala ko nandiyan pa sila, akala ko may oras,” emosyonal na paglalahad niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with