^

PSN Showbiz

Cinema One, 30 taon na!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Cinema One, 30 taon na!
Piolo Pascual
STAR/File

Ipinagdiriwang ng Cinema One ang 30 taong paghahatid ng iba’t ibang pelikulang Pilipino sa mga manonood sa paglulunsad ng Laging Kasama music video tampok si Piolo Pascual.

Inilabas ang music video ng Laging Kasama sa Cinema One Facebook page at YouTube channel kung saan makikitang umaawit si Piolo habang ipinapakita ang ilan sa hindi malilimutang Filipino films. Ipinalabas din ang music video sa ABS-CBN channels nitong Miyerkules.

Bukod sa kanilang anniversary theme song, ihahandog din ng cable channel ang iba’t ibang blockbuster at classic Pinoy films na libreng mapapanood sa YouTube simula Hunyo 12 hanggang 30.

Naitayo ang cable channel noong 1994 bilang Sky One na naging Pinoy Blockbuster Channel naman noong 1998. Nag-rebrand ito bilang Cinema One taong 2001 na nagpapalabas ng local at international films 24/7.

Bukod sa pag-ere ng mga pelikula, nagprodyus rin ang cable channel ng talk shows tulad ng The B Side na pinangungunahan ni Bianca Gonzalez. Kada taon ay pinangungunahan din nito ang OpenAir Cinema One na nakatakdang idaos sa Capitol Commons Park ngayong taon. Nakamit ng annual outdoor screening event ang bronze sa naganap na 2024 Asia-Pacific Stevie Awards for Innovation in Entertainment Events.

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with