^

PSN Showbiz

Sexy actress todo deny na kasama sa mga dinampot ng pulis na nagbubugaw sa hotel

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pinaplano na pala ngayon ng lahat na miyembro ng Starstruck 1 na mag-reunion sila ngayong taon bilang pag-celebrate ng 10th anniversary nila.

Lalong tumitibay ang samahan ng mga taga-Starstruck 1 na pinangungunahan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Tuluy-tuloy pa rin ang komunikasyon nila at nagkikita sila minsan.

Pero napagkasunduan na nilang magsasama-sama silang kasama ang kanilang anak kung meron man.            

Baka raw gagawin nila ito sa Boracay pero dapat maayos ang schedule na libre silang lahat.

PIK:Marami ang nayabangan kay Rosanna Roces sa interview sa kanya sa Showbiz Police.

Naka-tape pa kasi iyon kaya hindi ito nakapagbigay ng reaksiyon sa mga sinabi ni Manay Lolit Solis sa Startalk na sinagot nito ang mga patutsada ng aktres laban kay Sen. Bong Revilla, Jr.

Kahit ano pang sabihin ni Rosanna, kung magpapa-interview uli ito, ayaw na siyang patu­lan ni Manay Lolit.           

Mas type pang pagtripan ng talent manager ang ilang kumakampi at kumukunsinti sa mga ginagawa ni Rosanna.

BOOM: Mariing itinatanggi ng isang dating sexy actress ang kumalat na balitang nadamay ito sa panghuhuli ng ilang bugaw na tumatambay sa isang five-star hotel.

Hindi namin masulat ang pangalan ng dating sexy actress dahil nung tineks namin ito, kaagad niyang itinatanggi.

Pero ini-insist ng aming source na nakasama talaga ang seksing aktres sa mga dinampot ng mga pulis dahil kasama nito ang ilang kilalang bugaw na matagal nang minamanmanan.

Wala lang daw itong record sa police station dahil naayos din daw agad gawa nang merong mayamang negosyanteng tumulong na makalabas lang agad ang dating sexy actress.

                                                    

vuukle comment

BONG REVILLA

JENNYLYN MERCADO

MANAY LOLIT

MANAY LOLIT SOLIS

MARK HERRAS

PERO

ROSANNA

ROSANNA ROCES

SHOWBIZ POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with