^

PSN Showbiz

Nora Aunor dadaan sa matinding medical tests

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Magkakaroon ng reshuffle ang lahat ng miyem­bro ng apat na teams sa Sunday All Stars ngayong araw.

Iba na rin ang mga leader nila. Si Mark Herras na sa Instagang, si Jay-R naman sa Tropang Tren­ding, si Kyla sa Ligang iLike at si Alden Richards sa Tweethearts.

PAK: Pursigido na pala talaga si Nora Aunor na ituloy ang pagsampa ng kaso sa isang beauty clinic na nag-opera sa kanyang lalamunan.           

Iyon ang sinisisi ni Nora kung bakit nawalan na siya ng boses at hindi na nakakakanta ngayon.

Kinausap na nito si Atty. Ferdie Topacio na siyang tatayong legal counsel niya. Pero sabi ni Atty. Topacio, kailangan pa ni Nora na dumaan sa medical tests at pag-aaralan pa niya muna kung may laban si Nora sa isasampa niyang demanda.

“Hindi naman tayo basta-basta magsasampa ng kaso. Kailangang pag-aralan muna kasi baka matalo pa tayo, mga 10 years na ’di ako makakatulog n’yan!” pabirong sagot sa amin ni Atty. Topacio.

BOOM: Pumirma ng renewal of contract si Dingdong Dantes sa GMA 7 kahapon ng tanghali. Limang taon ang pinirmahan nito bilang Kapuso Primetime King.

Ginanap ang signing of contract sa Manila Polo Club, malapit lang sa Manila Golf Club kung saan doon naman pumirma si Marian Rivera.

Sa naturang contract-signing event ay ipinakita ang teaser ng Genesis na itinuturing na isa sa pinakamalaki at pinakamagastos na primetime show ng GMA 7.

Hindi deretsahang masagot ng aktor ang tanong ng mga reporter kung siya na nga ba ang highest-paid Kapuso actor.

“I’m not in the position to answer that, it’s classified. Pero more than the monetary amount, more than the compensation, it’s the commitment that both our hearts have,” sagot ni Dingdong.

Sa Oct. 7 na magsisimula ang Gene­sis ni Dingdong kasama si Rhian Ramos at Lorna Tolentino.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

DINGDONG DANTES

FERDIE TOPACIO

KAPUSO PRIMETIME KING

LORNA TOLENTINO

MANILA GOLF CLUB

MANILA POLO CLUB

NORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with