^

PSN Showbiz

Rhian apektado sa isyu ni Dingdong

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May tweet si Rhian Ramos na “The world of chismis looms around the corner. Haaayyy!!!” at may feeling kami na may kinalaman din ito sa nasulat na pinagselosan siya ni Marian Rivera. Siya kasi ang leading lady ni Dingdong Dantes sa sci-fi TV drama na Genesis.

Sana lang hindi maapektuhan sina Marian at Rhian sa isyung ito dahil pareho silang talo. Hindi sa Genesis unang nagtambal sina Dingdong at Rhian dahil nagkasama rin sila sa Stairway to Heaven kaya dapat sanay na sila. 

Kung ganyang libreng dumalaw si Marian sa taping ng Genesis, siguro naman puwede ring bumisita si KC Montero, boyfriend ni Rhian sa taping.

Marami na ang curious sa Genesis dahil walang masyadong nagli-leak na kuwento sa taping at sa Instagram lang ni Dingdong kami nakakakita ng still photos at update. Sabi, Bible serye ito at may tumatawag namang sci-fi drama ito.

Heto at nakakuha kami ng picture ni Dingdong na naka-uniform. Tama ba kaming naka-Marine uniform ang aktor?

Elmo ‘nasipa’ ni Kristoffer

Kumpirmadong si Kristoffer Martin ang leading man ni Julie Anne San Jose sa bagong primetime soap ng GMA Network na Kahit Saan Ka Man na dating Looking Through the Eyes of Love ang unang na-consider na title.

   Nag-storycon na para sa soap at baka this week na sisimulan ni Direk Gil Tejada ang taping dahil ito ang ipapalit sa Anna Karenina na malapit nang magtapos.

Si Elmo Magalona ang original leading man ni Julie Anne at mukhang nakapasa ang binata sa audition. Pero hindi namin alam kung bakit pinalitan siya ni Kristoffer na tuwang-tuwa dahil after Kakambal ni Eliana, may bago siyang project.

Cesar idinaan sa kanta ang nararamdaman

Ang galing ng piniling song ni Cesar Montano sa promo ng Akin Pa Rin ang Bukas kahapon sa Sunday All Stars, ang James Taylor original na Shower the People You Love with Love. Bagay na bagay sa sitwasyon nila ni Sunshine Cruz ngayon ang song, ang ganda ng lyrics.

  Anyway, this Monday na ang pilot ng Akin Pa Rin ang Bukas na gagampanan ng aktor ang role ng BF ni Solenn Heussaff na mai-involve kay Lovi Poe. Parang hindi bagay itanong kung kanino siya mali-link sa dalawa dahil sa pinagdadaanan niya sa personal life niya ngayon.

 

vuukle comment

AKIN PA RIN

ANNA KARENINA

BUKAS

CESAR MONTANO

DINGDONG DANTES

DIREK GIL TEJADA

JAMES TAYLOR

JULIE ANNE

JULIE ANNE SAN JOSE

RHIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with