^

PSN Showbiz

Gerald pangarap maging sundalo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Maingay pa ring pinag-uusapan ang pelikulang On the Job o OTJ na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Piolo Pascual. Mag-iisang linggo pa lamang itong palabas sa mga sinehan ngayon pero umaani na ng mga papuri mula sa iba’t ibang klase ng tao sa lipunan ang proyekto kaya naman labis na nagpapasalamat si Gerald.

“Grabe sobra, sina Bianca Gonzalez, Daphne Oseña, Rina Jimenez-David, Ogie Diaz, Janice de Belen, Angelica Panganiban, Rajo Laurel, Kris Aquino, at Vice Ganda. Nakakaiyak lahat ng sinabi nila. I’m so thankful kami nina Piolo, cast and crew, kay Direk Erik (Matti), lahat kami thankful sa inyo,” nakangiting pahayag ni Gerald.

Kagabi ay nagsimula na rin ang teleserye ng aktor na Bukas na Lang Kita Mamahalin sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Kasama ni Gerald sa bagong soap opera sina Dawn Zulueta, Cristine Reyes, Rayver Cruz, Tonton Gutierrez, Diana Zubiri, at Dina Bonnevie. Umani rin ng magagandang feedback ang nasabing serye mula sa mga manonood kaya labis na kaligayahan ang nadarama ni Gerald ngayon sa dalawa niyang proyekto na tinangkilik kaya naging matagumpay.

“These two projects are some of the best in my career. Baka hindi na maulit ’yung ganitong feeling. Ninanamnam ko lang, enjoy-in every moment,” giit ng Kapamilya actor.

Samantala, noong Linggo ay isang star-studded basketball game ang idinaos ng aktor kasama ang ilan pang mga kaibigan niya sa industriya. Nakilahok sina Rayver Cruz, JC de Vera, Ejay Falcon, Aaron Villaflor, Enrique Gil, at marami pang iba. Ang nalikom na halaga mula sa ticket sales ng nasabing game ay inilaan ni Gerald para sa Hero Foundation. Isa itong institusyon na tumutulong sa mga anak ng sundalong namatay sa giyera o pakikipagdigmaan. Pa­ngarap daw kasi ng Fil-Am actor na maging sundalo kaya naging malapit sa kanyang puso ang nasabing foundation.

Rufa Mae iniba na ang style ng paghuhubad sa men’s mag

Muling naghubad si Rufa Mae Quinto para magpaseksi sa September issue ng FHM Philippines. Ayon sa aktres, isang napakalaking karangalan na mag-cover sa isang babasahing katulad nito.

“Something new and different. Mara­ming pagbabago. It’s 2013 and the past is past. Before I didn’t know how to model, ’yung tipong feel na feel. Ngayon nasanay na ako sa pictorials and sa mga high-fashion­ cover,” bungad ni Rufa Mae.

Ito na raw ang pang-apat na beses na na-feature ang aktres sa FHM dahil matatandaang nagpaseksi na rin noong January 2001, April 2003, at February 2010 si Rufa Mae sa nasabing men’s magazine.

Magkakaiba raw ang lahat ng ginawa ng aktres para rito.

“With each peg and each concept and each edition of FHM, it’s always something new and different. Nagkaka-depth. There’s evolution and revo­lution,” giit ni Rufa Mae. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                     

vuukle comment

AARON VILLAFLOR

ANGELICA PANGANIBAN

BEFORE I

BIANCA GONZALEZ

CRISTINE REYES

DAPHNE OSE

RAYVER CRUZ

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with