^

PSN Showbiz

Gerald sulit ang ipinaghintay

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Simula na sa Lunes ang bagong serye ng Dreamscape Production para sa ABS- CBN. Ipinapanood ng network ang unang linggong episode ng Bukas na Lang Kita Mamahalin na talaga namang ubod ng ganda at muli ay magpapatunay sa mga manonood ng telebisyon na pagdating sa mga serye ay nangunguna ang Kapamilya Network.

Sulit ang matagal na paghihintay ni Gerald Anderson ng kasunod ng Budoy. Napakaganda ng kanyang role bilang isang bad boy son ni Dawn Zulueta na ang asawa ay na-frame up at namatay sa kulungan. Mukhang ang kapalaran nito ay susundan din ng kanyang anak na dahil sa sinapit ng kanyang ama ay sumumpang hindi paaapi pero paano kung ito ang tadhana niya? Ang magkatulong na paghahanap nila ng kanyang ina ng hustisya ang nagsisilbing kuwento na inaasahang kagigiliwan ng mga manonood.

Ang ganda ng love story nina Gerald at Cristine Reyes na nagsimula nung mga bata pa sila at namalagi hanggang magdalaga’t binata. Si Rayver Cruz ang magsisilbing hadlang sa kanilang relasyon. Anak ito ng isang makapangyarihang pamilya sa pulitika na ang ina (Dina Bonnevie) ay naghihiganti sa babaeng (Dawn Zulueta) inaakala niyang umagaw sa kanyang asawa at ama (Tonton Gutierrez) ng kanyang anak.

Si Cristine naman ang anak ng abogado at kaibigan na tutulong sa pamilya ni Gerald pero unti-unti na ring maniniwala sa kasalanan ni Gerald.

Ang galing na naidirek ni Jerome Pobocan ang mga unang episode na ipinapanood at kinagiliwan ng lahat. Andun sa advanced screening sina Dawn at Dina kasama ang mga asawa nilang pulitiko. Suportado rin si Dina ng anak niyang si Danica Sotto Pingris. Si Cristine ay sinamahan ni Ara Mina samantalang kasama naman ni Tonton ang misis niyang si Glydel Mercado. Dumalo sa presscon ang buong cast ng serye.

Dina kontra pa rin sa agwat nina Vic at Pauleen

Maiaalis mo ba kay Dina Bonnevie na mag-react at magbigay ng kanyang komento tungkol sa ex niyang si Vic Sotto? After all, napanatili nilang maganda ang relasyon nila dahil sa mga anak nila. Hindi rin maaakusahan ang magaling na aktres ng pagiging bitter dahil maligaya siyang ginang ng isang pulitiko. Kung nagsasalita man siya tungkol kay Vic ay bilang sagot sa maraming tanong sa kanya tungkol sa kasalukuyang estado ng ama ng kanyang mga anak.

No, Dina is too decent para makialam pa sa love life ni Vic. Pero bukas din siya sa pagsasabing masyadong bata ang natagpuan nitong mahalin, ang co-host na si Pauleen Luna.

“Baka hindi mag-work dahil malaki talaga ang agwat nila. Pero I still wish the best para sa kanila,” sabi niya sa presscon ng Bukas na Lang Kita Mamahalin.

Jake at Bea nagkanya-kanya na talaga

Break na pala ang magkarelasyong Jake Vargas at Bea Binene. Kailan lamang inihayag ng manager ng batang aktor ang relasyon nila ng kanyang ka-love team pero break na sila agad. Si Jake daw ang humiling ng kanilang breakup. Tila nasakal na raw ito sa kanilang relasyon na sa halip na makabuti sa kanilang samahan ay nakakasama pa. Eh ang gusto lamang naman nila ay ma-inspire para mapaganda pa ang career nila pero sa halip ay mas nadadalas pa ang pag-aaway nila kaya nag-decide na lang silang maghiwalay na lang para makapag-focus sa kanilang trabaho.

Ngayong magkahiwalay na sila ay inaasahan ng followers nila na matatahimik na sila. Mawawala na ang madalas na alitan na dulot ng selos. At mapagtutuunan na nila ang kani-kanilang trabaho.

 

vuukle comment

ANAK

DAWN ZULUETA

DINA

DINA BONNEVIE

KANYANG

LANG KITA MAMAHALIN

NILA

SI CRISTINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with