^

PSN Showbiz

Marian nag-ampon ng may sakit

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tutok lang sa Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR-TNT) ngayong Sabado, 9-10 a.m. para masaksihan ang selebrasyon ng kaarawan ni Marian Rivera sa tahanan ng mga batang may sakit na Child Hauz.

 â€œAng fans ko ang nag-set ng pagdalaw ko sa mga bata. Napaiyak ako nang makita ko ang mga musmos doon na sa kabila ng  malulubhang sakit ay buo ang loob na isang araw ay gagaling, lalabas doon at uuwi sa kanilang sariling tahanan,” saad ng Kapuso Primetime Queen.

Lalong nabagbag ang loob ni Marian nang sayawan at awitan ng birthday song ng mga bata. Isa sa may malubhang sakit ang inampon ng byu­ting aktres at siya na rin ang umako sa pagpapagamot nito. 

Samantala, matutunghayan ang pagpapasaya ni Mader Ricky Reyes sa isang ginang na may cancer. Nalalagas ang buhok ng babae dahil sa chemotherapy. Inayusan siya ni Mader at niregaluhan ng isang peluka. Walang pagsidlan ang kasayahang nadama ng babae.

May interbyu naman si Mader sa isang magsasaka na nangarap makapagtayo ng tahanan para sa pamilya. Natupad ang pangarap ni Rey Carpio at naging susi ito sa pagkakaroon niya ng housing projects. Ang magsasaka noon ay isa nang milyonario ngayon.

Abangan lagi ang GRR-TNT na prodyus ng ScriptoVision at napapanood tuwing Sabado sa GMA News TV.

vuukle comment

ABANGAN

CHILD HAUZ

GANDANG RICKY REYES TODO

KAPUSO PRIMETIME QUEEN

MADER

MADER RICKY REYES

MARIAN RIVERA

REY CARPIO

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with