^

PSN Showbiz

Dinadalang problema ni Claudine nadagdagan na naman

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Wala palang nilulutong proyekto ang ABS-CBN para kina Piolo Pascual at Claudine Barretto, mapapelikula man o serye sa TV.  Sino kaya ang nagmahaderang nagbalita nun kay Claudine kaya siya nag-a-announce? Ayan tuloy madi-disappoint na naman ang aktres at baka makadagdag pa ito sa dinadala niyang problema.

Ito kasi ang hirap kapag may gustong magpapogi sa isang artista, hinahatdan niya ito ng balita kahit hindi totoo. Hindi niya nari-realize na makapagdudulot siya ng sakit sa kanyang kasinungalingan. Pero sana by this time Claudine has realized kung kanino siya maniniwala at hindi.

Nakakahinayang…

Isang mahusay sa yoyo ang naging champion ng Talentadong Pinoy sa grand finals na ginanap nung Linggo ng gabi. Pero parang natatandaan ko na mayroon  na rin naging champion ang programa na isang ding yoyo player. I’m sure marami rin ang nakatatanda nito dahil hindi pa naman ganun katagal ang show na pinanghihinayangan ng marami dahil nag-ere ng kanyang huling palabas nung Linggo rin. Nasasayangan din ang marami para kay Ryan Agoncillo dahil hindi lang ang programa niya ang maganda, napakagaling din niyang host. Oh, well ganun talaga sa showbiz. Hindi nakasisiguro na magtatagal ang isang palabas kahit well viewed ito. Magandang halimbawa ang Talentadong Pinoy na  isa sa pinaka-sinusubaybayang programa ng TV5, pero tsinugi pa rin. 

Michael V. nanganib ang buhay

Mabuti naman at nalampasan ni Michael V ang krisis sa sakit na ibinigay sa kanya ng isang lamok.  Biruin mo, muntik  na siyang magbuwis ng kanyang buhay! I’m sure nakaramdam din siya ng takot nung kasagsagan ng kanyang pangangailangan ng dugo.

 

vuukle comment

AYAN

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

LINGGO

MICHAEL V

PERO

PIOLO PASCUAL

RYAN AGONCILLO

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with