^

PSN Showbiz

Claudine umupo sa witness stand iyak nang iyak habang ginigisa ng abogado ni Raymart

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Bukod sa mga fans ay mga ahas ang kasama ni Kim Rodriguez na nag-celebrate ng kanyang kaarawan sa Ark Avilon Zoo sa Pasig kamakalawa ng umaga.

Pero sinorpresa siya ng kanyang mga fans nung araw na iyun na naghanda ng pangmeryenda kasama ang ilang miyembro ng movie press.

 â€œAng sabi po kasi sa akin, may press interview. Hindi ko po alam na nandito ang mga fans at nag-enjoy pa ako sa paglilibot dito sa zoo,” pahayag ng bida ng Kakambal ni Eliana.

PAK: Ngayong araw diringgin ang Temporary Protection Order na isinampa ni Sunshine Cruz laban kay Cesar Montano.

Sabi ni Atty. Boni Alentajan, magiging Permanent Protection Order na raw itong hihingin nila dahil gusto na rin ni Sunshine na tuluyan nang mapalayo sa kanya ang asawa.

Deretsahang sinabi ni Sunshine na malabo na siyang makipagbalikan kay Cesar kahit ilang beses na rin daw siyang kinulit ng aktor na makipagbalikan.

Sabi ng aktres; “Ayoko na. It’s something that doesn’t make you happy anymore and makes you miserable. Bakit mo itutuloy yun?”

Pagkatapos nito, ang annulment naman daw ang aasikasuhin ni Sunshine. Ang focus lang daw muna niya sa ngayon ay mabawi niya kay Cesar ang kanyang mga anak.

BOOM: Muling nagharap naman kahapon ng hapon sina Claudine Barretto at Raymart Santiago sa korte, sa sala ni Judge Geraldine Macaraeg ng Marikina Regional Trial Court.

Doon dininig ang Permanent Protection Order na isinampa ni Claudine laban kay Raymart.

Sinamahan si Claudine ng kanyang inang si Mommy Inday Barretto. Mahigit dalawang oras ang hearing na kung saan si Claudine ang isinalang sa witness stand.

Nasilip namin sa loob na sa buong interrogation ay umiiyak ang aktres habang sinasagot ang mga tanong ng abogado ni Raymart.

Sabi ni Claudine, habang tumatagal ay palakas nang palakas ang nararamdaman niya. “Naniniwala akong makamit ko ang hustisya,” pahayag nito.

Laging nakangiti naman si Raymart tuwing lumalabas ito ng korte, pero ayaw niyang magkomento kapag tungkol sa kaso ang tinatanong.

“Malungkot ‘di ba? Dahil minsan ay nagkasama kami. Kahit papano asawa ko siya,” tipid na sagot ng aktor.

Ayon sa kanilang mga abogado, tuluy-tuloy pa itong kaso at magkakaroon pa raw uli ng hearing, at muling magkikita silang mag-asawa.

vuukle comment

ARK AVILON ZOO

BONI ALENTAJAN

CESAR MONTANO

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

JUDGE GERALDINE MACARAEG

PERMANENT PROTECTION ORDER

RAYMART

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with