^

PSN Showbiz

Michael V. babu na rin, sumunod na kay Ogie

SVA - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon na rin ng programa si Michael V. sa TV5. Yup, you read it right folks. Hindi naman kasi pala exclusive ang contract ni Michael V.sa GMA 7 kaya diumano tinanggap nito ang offer na maging host ng isang franchised show.

Wala pang masyadong details ang source pero done deal na raw ito.

Unless ha, habulin siya ng GMA 7 nga­yong nag-leak na ang kuwento tungkol dito.

GMA nagpasalamat

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang GMA 7 tungkol sa pagtiwalag sa kanilang network ni Ogie Alcasid. Nagpasalamat pa ang GMA sa singer/comedian/composer.

“As Ogie Alcasid moves on to explore new grounds, GMA Network, his home for almost two decades, wishes him all the best. We thank him for being a part of the Network’s success all these years.

“His achievements as a singer, songwriter, comedian, host and actor make Ogie the icon that he is now. And the Kapuso Network is proud to have been with him throughout this journey.”

Kim ayaw pa ring pag-usapan si Maja

Hindi pa rin kaya ni Kim Chiu na pag-usapan si Maja Salvador. The other night sa presscon ng pelikula nila ni Xian Lim na Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo under Star Cine­ma nakiusap si Kim sa mga nangungulit sa kanya tungkol sa status ng friendship nila ng dating BBF na nalamatan nang maki­pagrelasyon ito kay Gerald Anderson. “Let’s not talk about her,” simpleng sagot ng young actress na hanggang ngayon ay walang inaamin tungkol sa kanila ni Xian. Ang set up daw nila ng kanyang ka-love team ay walang label.

Aktor dinudugo

Awang-awa ang isang director sa isang aktor na literal na dinudugo ang puwet dahil diumano sa ginagawa ng kanyang manager.

Pang-adult ang kuwento ni Direk tungkol sa nasabing young actor na dyinowa diumano ng kanyang manager kaya nagkaroon sila ng sexual contact.

Pero iba raw ang trip ng manager dahil nagpi-feeling babae raw ito kaya ayun ang kawawang aktor daw ang nagdurusa ngayon.

Wala na munang clues dahil nakaka-sad ang kuwento ni Direk dahil kilalang mabait ang aktor na ito.

                                                             

vuukle comment

AS OGIE ALCASID

BAKIT HINDI

CRUSH MO

DIREK

GERALD ANDERSON

KAPUSO NETWORK

KIM CHIU

MICHAEL V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with