^

PSN Showbiz

Dylan, aayain ng date si Seoyoung

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong linggo sa My Daughter Seoyoung, siguradong kikiligin ang mga Kapuso viewers dahil aayain na ni Dylan si Seoyoung sa isang date.

Patuloy pa rin ang pagiging tutor ni Seoyoung sa kapatid ni Dylan ngunit hindi magtatagal ay ma­pag­dedesisyunan ng mga magulang ni Dylan na lumipat na sa kanilang bahay si Seoyoung upang higit na matutukan sa pag-aaral ang kapatid.

Dahil sa desisyon na ito ay malalaman ni Dylan na si Seoyoung ang kumuha ng kanyang motorsiklo. Imbes na isumbong sa pulis si Seoyoung, gagawa si Dylan ng kundisyon na dapat sundin ni Seoyoung bilang kabayaran sa motorsiklo. At isa nga sa mga kondisyon na ito ay ang paglabas  nilang dalawa. Tuluyan na kayang mahulog ang loob ni Dylan kay Seoyoung?

Abangan ang mga nakakakilig na mga eksena sa My Daughter Seoyoung na mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes bago mag-Home Sweet Home sa GMA.

 

 

vuukle comment

ABANGAN

BIYERNES

DAHIL

DYLAN

HOME SWEET HOME

IMBES

KAPUSO

MY DAUGHTER SEOYOUNG

SEOYOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with