^

PSN Showbiz

Jennylyn at Mark nagbalikan!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado, inihahandog ng Magpa­kailanman ang kuwento ng paghihirap at pag-asa ni Melissa Fernando, ang babaeng may AIDS ang asawa.

Itinatampok si Jennylyn Mercado sa kanyang natatanging pagganap bilang Melissa, at si Mark Herras para sa kanilang muling pagtatambal.

Kasama rin sina Gwen Zamora, Kathleen Hermosa, at Bing Davao; at mula sa masusing direksiyon ni Laurice Guillen.

Magsisimula ang kuwento ni Melissa Fernando nang makilala niya si Jonas, isang seaman na nahuhuma­ling sa kanyang angkin na ganda. Hindi madaling nagpaikot si Melissa, pero hindi rin nito maikaila na may nararamdaman siya para sa binata.

O sa lalaking inakala niyang binata.

Nang pumayag si Melissa na maging girlfriend ni Jonas, laking gulat niya nang sugurin siya ng isang babae na nagpakilalang asawa ng lalake.

Dito malalaman ni Melissa na hiwalay lang pala si Jonas sa asawa. Na umaasa pa ang babae na magkakaayos sila ng seaman. Sa galit ni Melissa kay Jonas, handa na ang babaeng kumawala at magpaubaya. Pero dahil sa labis na pagmamahal ni Jonas sa kanya, at sa hindi niya maitangging pag-ibig din sa lalake, binigyan niya ito ng panibagong pagkakataon.

Naging maayos ang pagsasawalang-bisa ng kasal ni Jonas sa kanyang da­ting asawa. Hindi rin nagtagal at ikinasal silang dalawa ni Melissa. Naging tahimik na ang kanilang pagsasama.

Pagkalipas ng ilang taon, kahit na patuloy ang pagluwas ni Jonas bilang seaman, ay nakabuo rin sila ng anak ni Melissa. Masaya ang pamilya nila.

Hanggang sa isang pag-uwi ni Jonas, laking gulat ni Melissa nang nakaratay na sa stretcher ang lalake nang salubungin niya. May malubha nang sakit ang lalake--at hindi malaman ng mga doktor kung paano ito mapapa­galing.

May isang doktora na magmumungkahi kay Melissa na ipa-test si Jonas for HIV. Positibo ang lalake. 

Lalo pang gumuho ang mundo ni Melissa nang malaman niyang maging siya ay positibo rin. Ang ipinapangamba na lang ni Melissa ay ang magiging lagay ng anak nila ni Jonas--at kung maging ito ba ay nahawaan nilang mag-asawa.

Ano ang buhay na naghihintay para sa mag-ina?

Paano haharapin ni Melissa ang kinabukasang walang kasiguraduhan para sa kanilang mag-ina? 

Sundan ang kuwento ni Melissa Fernando nga­yong Sabado sa Magpakailanman pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA7.

vuukle comment

BING DAVAO

DADDY KO

GWEN ZAMORA

JENNYLYN MERCADO

JONAS

KATHLEEN HERMOSA

LAURICE GUILLEN

MELISSA

MELISSA FERNANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with