^

PSN Showbiz

Batang ‘Tulak’ sasagipin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bibistuhin ni Julius Babao ang mga salarin sa likod ng pagkakasadlak ng isang menor de edad sa pagtutulak ng droga ngayong Lunes (June 24) sa Pinoy True Stories: Bistado.

Imbes na mag-aral at maglaro, rumaraket ang batang si “Ria” sa mga drug dealer upang magbenta at mag-deliver ng droga sa mga parokyano gamit ang isang lata ng kendi kung saan nakatago ang mga sachet ng bawal na gamot.

Saksihan kung paanong sinagip ni Julius kasama ang mga awtoridad ang musmos. Naparusahan na kaya ang mga taong nagpahamak sa walang-muwang na si “Ria?” Kumusta na kaya si Ria matapos ang madilim na kabanatang ito ng kanyang buhay? 

Tunghayan ang buong kuwento ngayong Lunes (June 24) sa Pinoy True Stories: Bistado, 4:45 p.m., sa ABS-CBN. Para sa updates tungkol sa programa, bisitahin ang www.abs-cbnnews.com/currentaffairs.

vuukle comment

BIBISTUHIN

BISTADO

IMBES

JULIUS BABAO

KUMUSTA

NAPARUSAHAN

PINOY TRUE STORIES

SAKSIHAN

TUNGHAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with