^

PSN Showbiz

AiAi pinayuhang ipahinga muna ang puso

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hottest news of the week pa rin ang pakikipaghiwalay ni AiAi delas Alas sa kanyang dyowang si Jed Salang.

Nagkausap kami ni AiAi sa telepono noong Lunes at halata sa boses niya na malungkot siya na normal lamang para sa isang babae na maraming na-discover sa mga kababalaghan na ginawa ng kanyang asawa.

Sa tono ng pananalita ni AiAi, talagang napaso na siya kaya wala nang reconciliation na mangyayari.

Halos isang taon ang relasyon nina AiAi at Jed bilang boyfriend-girlfriend. Halos isang buwan naman ang itinagal ng kanilang kasal na mahahantong sa diborsiyo.

May mga nagpapayo kay AiAi na ipahinga muna ang kanyang puso at kung sakaling magmamahal siya muli, huwag na siyang magpakasal para mabawasan ang kumplikasyon. Mala­king abala at magastos ang mag-file ng divorce ’no?!

Rep. Lani at Benjie umapir sa pa-meryenda

Thank you kina Congresswoman Lani Mercado at Benjie Paras na umapir sa birthday mer­yenda para sa akin ni Mama Rubby Sy ng Flawless.

Hindi na ako mahilig sa mga bonggang party pero hindi ko mapahindian ang offer ni Mama Rubby na i-treat niya ako dahil good friend ko siya. A million thanks to you, Mama Rubby!

Uulitin ko, maraming salamat sa mga nakaalaala sa kaarawan ko noong Lunes. At sa mga nag-text ng kanilang birthday greetings, thank you na rin kahit hindi puwedeng ipadala sa text ang inyong mga birthday gift!

Hindi Sabado kaya puwede pa kayong magpadala ng regalo.

Hayden natawa lang nang hanapan ng ‘susi’

Birthday din ni Hayden Kho, Jr. noong Lunes. Bilang pareho kami ng birthday, nag-greet ako sa kanya ng happy birthday.

Tumawa lang si Hayden nang magtanong ako tungkol sa “susi” na natanggap niya mula sa kanyang special friend. ’Yon ang susi na balak kong agawin dahil sa kagustuhan ko na malaman kung para sa brand new car ba  ‘yon o condo unit.

Imposible naman na susi ‘yon ng tagumpay ‘no?!

Shalani nakaka-touch ang birthday message

Maraming salamat kay Shalani Soledad-Romulo at sa kanyang mister, si Pasig City Congressman Roman Romulo.

Touched na touched ako sa birthday card na natanggap ko kahapon mula sa mag- asawa. Ipinadala ni Shalani ang card sa shop ni Bambbi Fuentes sa Timog Avenue, Quezon City.

Na-appreciate ko ang sincere at heartfelt birthday message ni Shalani para sa akin. Imagine, na-remember pa niya ang birthday ko, kahit hindi siya pinalad na mag-win sa kanyang congressional bid sa Valenzuela City.

Thank you Shalani and Roman!

Pinoy Henyo contestant hindi naisip ang pangalan ni Grace Poe!

Nainis ako sa contestant kahapon sa Pinoy Henyo ng Eat Bulaga.

Ang pangalan ni senator-elect Grace Poe-Llamazares ang pinahulaan sa Pinoy Henyo pero hindi nasagot ng contestant ang question ha?

Nabanggit na niya ang lahat ng pangalan ng mga senador na nanalo pero ang name ni Mama Grace, hindi!

Gulat na gulat si Papa Joey de Leon dahil kung sino pa ang number one sa senatorial race, ang name pa ni Mama Grace ang hindi naalaala ng contestant.

Tama ba ’yon? Hmp, buti nga’t hindi siya nag-win!

vuukle comment

BAMBBI FUENTES

BIRTHDAY

MAMA GRACE

MAMA RUBBY

PINOY HENYO

SHALANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with