^

PSN Showbiz

Zanjoe, sanay maging bading

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa May 15 ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Bromance ni Zanjoe Marudo. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbida ang aktor sa isang malaking pelikula kaya kabado raw si Zanjoe para dito. “Ginawa ko ‘yung sa tinging ko na tama lang. Ayoko naman maging confident kasi hindi naman lahat ng tao magugustuhan ‘yung ginawa ko. Masaya ako na gusto ng mga nakatrabaho ko ‘yung ginawa ko,” pahayag ni Zanjoe.

Magkapatid na kambal ang ginampanan ng aktor sa nasabing pelikula, si Brando na isang brusko at si Brandy na isa namang bading. Matatandaang gumanap na rin bilang isang bading si Zanjoe sa pelikulang 24/7 ng Star Magic kamakailan.

Marami ang nagsasabing magaling gumanap ang binata bilang isang bading kaya ikinatuwa ito ni Zanjoe. “Nakarinig naman ako ng magagandang comments. Makita ko lang na natatawa ‘yung may hawak ng camera habang nasa set, ‘yun pa lang nakikita ko ‘yung reaction nila, ang sarap pakinggan. Proud ako kasi ‘yung suporta hindi mo akalain na ibibigay ng tao sa ‘yo. Pati mga kasama kong artista masaya sila para sa akin at nagtitiwala sila,” kwento pa ni Zanjoe.

Dapat rin daw na abangan ng mga manonood ang pagpapakita ng puwet ng aktor sa pelikula.

Yeng nakakaramdam ng kakaibang kilig kay Enchong

Nakasama ni Yeng Constantino ang aktor na si Enchong Dee para sa kanyang pinakabagong music video para sa kantang Chinito. Aminado si Yeng na mayroon siyang paghanga sa binata kaya naisipan niya itong gawing leading man sa nasabing music video. “Sino naman ang hindi magkaka-crush kay Enchong eh napakagwapo niya? Gwapo siya tapos mabait,” nakangiting bungad ni Yeng.

“Last year pa kinausap namin siya kung pwede siyang maging leading man. Actually ako ‘yung nakipag-usap. Kinausap ko siya sa ASAP, parang ‘Hoy! Chong, pwede ba kitang maging leading man sa next music video ko?’ Sabi niya, ‘Oo, sige, sige. Kausapin mo ‘yung handler ko.’ naglakas loob na akong kausapin ang kanyang handler. Pumayag naman po sila,” kwento ng singer.

Nag-enjoy daw si Yeng habang ginagawa ang music video nila ng aktor dahil masarap daw katraba­ho si Enchong. “Noong video shoot namin, hindi siya naiinip, parang chill lang siya. Naglalaro lang siya sa cell phone niya, kain lang siya nang kain. Sabi ko grabe sobrang chill ng person na ‘to,” dagdag pa ng Rock Princess. Aminado rin si Yeng na nakakaramdam daw siya ng kakaibang kilig  tuwing nakikita si Enchong. “Kinikilig ako sa kanya, nakakatuwa siya. Mahirap pong hindi magka-crush sa industriya na ‘to kasi ang dami po talagang gwapo. Minsan nga iisipin ko, parang sige focus na muna lang ako, eh makakakita ka naman ng cute,” giit pa niya. -Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

AMINADO

ENCHONG

ENCHONG DEE

LANG

ROCK PRINCESS

SIYA

YENG

YUNG

ZANJOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with