^

PSN Showbiz

Kakandidato nga: ‘Kailangan manalo ako sa 2016’ – Kris

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbigay na ng hint si Kris Aquino na kakandidato nga siya sa 2016.

Nag-dialogue pala ito nang “kailangan manalo ako sa 2016!” nang ikampanya niya sa Davao sina Grace Poe and Sen. Chiz Escudero na miyembro ng Team P-Noy.

Pero wala naman daw kinumpirma kung seryoso si Kris o nagbibiro lang.

Well, wait natin kung joke lang ba ito ni Kris o talagang kakandidato siya lalo na nga’t balitang mag-aaral siya bagama’t hindi natuloy ang paglayas niya sa mga programa sa ABS-CBN. Magbabakasyon lang siya para raw harapin ang anak na si Joshua na balitang magpapa-stem cell sa Germany.

Kapalaran ng aktres sa taong pinagkatiwalaan, nakakagulantang!

Nakakalungkot pala ang nangyari sa aktres sa poder ng kanyang pinagkatiwalaang tao.

Sa sobrang tiwala raw ng aktres ay hindi nito namalayan na grabe na pala ang ginawa sa kanya.

Pero sa kabila nang mga nangyari sa kanya, ayaw na raw palakihin ng aktres ang isyu. Ipinagpapasa-Diyos na lang daw nito ang lahat.

Ang pakiusap lang daw ng aktres sa pinagkatiwalaang tao ay ‘wag na siyang siraan dahil siya na ang naging biktima rito.

Pinairal lang daw talaga nito ang utang na loob at kabaitan kaya nangyari ang hindi dapat nangyari.

For the record, ayon sa source, walang nanulsol sa aktres sa naging desisyon niyang iwan na ang pinagkatiwalaang tao. Nadama lang daw ng aktres na panahon na para magdesisyon siya.

Naku wala munang clue, pero sobrang naging mabait ang aktres sa mga nangyari.

Kung sa iba siguro ‘yun, baka umabot na sa korte ang usapin dahil kontrata na ang pinaka-isyu rito.

Sa kasalukuyan ay nakakatulog na raw ng maa­yos ang aktres.

Marian pinag-aagawan ng ABS-CBN at TV5

Nakatanggap daw ng offer si Marian Rivera sa ABS-CBN and TV5 matapos itong magpalit ng manager ayon sa isang malapit sa aktres.

Pero ayon sa source, pinag-iisipang maigi ng aktres ang kanyang gagawin lalo na nga’t sa GMA 7 naman talaga siya nag-umpisa.

Ayon kasi sa isa pang source, si Ms. Wilma Galvante ang nakikipag-usap kay Marian for TV5 na alam naman ng lahat na isa sa mga nag-alaga sa aktres sa GMA 7 noon.

As usual, malaki raw ang offer kay Marian ng TV5.

So may chance bang lumayas si Marian sa Kapuso Network?

Teka bakit nga ba may mga ganitong isyu sa GMA 7? Si Lovi Poe, Ri­chard Gutierrez, at ngayon naman ay si Marian?

Epekto kaya ito nang pag-aalaga nila nang husto sa mga young stars nila na hindi pa gaanong sumisikat?

Tickets sa concert ni Rihanna nakakawindang ang presyo

Napakamahal naman ng presyo ng tickets sa Diamonds World Tour ni Rihanna na gaganapin sa bansa sa Sept. 19 sa MOA Arena.

Heto ang presyo ng mga ticket :

SVIP 1st 17 rows(A-Q)-P26,990

VIP 18th-30th row(R-DD)-P21,710

Patron Seated-P16,430

Patron Standing-P11,150

Lower Box A-P13,260

Lower Box B-P11,150

Upper Box-P4,810

Gen Ad-P1,960

Di ba bongga. Puwede nang isang magandang bag o relos ang presyo ng SVIP.

Pero siyempre, maraming nagwawaldas para sa mga ganitong concert.

Hindi ito ang first time ni Rihanna na mag-concert sa bansa. Una  siyang dumating dito kasama ang kanyang boyfriend na si Chris Brown, ilang taon na ang nakakaraan.

Napanood ko na ‘yun so hindi na ako masyadong atat na mapanood nga­yon si Rihanna.

Showbiz damay sa siraan ng mga pulitiko

Salamat naman at ilang araw na lang ay tapos na ang eleksiyon. Aba nakakairita na ang mga text messages na natatanggap ng maraming entertainment press tungkol sa kasiraan ng mga kumakandidatong senador.

Ang nakakabuwisit umaga pa lang nagti-text na sila para siraan si ganito o si ganire. 

Yes damay na damay sa siraan ng mga pulitiko ang mga taga-showbiz.

 

vuukle comment

AKTRES

CHIZ ESCUDERO

CHRIS BROWN

DIAMONDS WORLD TOUR

LANG

PERO

RIHANNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with