Ruffa absuwelto sa libel case ni Amalia Fuentes!
Absuwelto si Ruffa Gutierrez sa libel case na isinampa ni Amalia Fuentes laban sa kanya noong May 2012 sa Quezon City Regional Trial Court.
Ikinatuwa ng mga lawyer ni Ruffa na sina Atty. Howard Calleja at Atty. Connie Jimenez-Aquino ng Calleja Law Office ang desisyon ng korte. Naglabas agad ang dalawa ng kanilang joint statement tungkol sa kaso na nag-ugat sa Twitter war nina Ruffa at Amalia:
“It is clear from the very start that none of the elements of libel existed in ms fuentes charges against our client Ms. Ruffa Gutierrez, hence we are happy to receive this good news that the Honorable ProÂsecutor Badua correctly dismissed this case against her.â€
Nagbigay din si Ruffa ng pahayag tungkol sa desisyon ng korte. Pinasalamatan niya ang kanyang mga legal counsel pero hindi kumpleto ang happiness ni Ruffa dahil may mga naÂdamay sa libel case na isinampa ni Amalia.
“First of all, I thank my lawyers because from the beginning they assured me that I did not violate any law and that the charges against me had no basis at all. But while I feel vindicated with the resolution dismissing the charges against me, I’m sad for the other reporters who were charged as it was not the outcome I expected. I just hope and pray that they will all be eventually acquitted,†pahayag ni Ruffa.
TV5 may sariling Ser Chief
Ipinakilala kahapon ng TV5 ang mga contestant ng Karinderya Wars, ang cooking show na brainchild ni Marvin Agustin.
Si Marvin ang producer at host ng television show na Pilipinong-Pilipino ang concept. Kung may Ser Chief ang Be Careful With My Heart, may Ser Chef naman ang TV5 at ito ay walang iba kundi si Marvin na excited na excited sa nalalapit na pagsisimula ng kanyang show.
Isang milyong piso ang premyo ng tatanghalin na winner sa kaabang-abang na bagong morning program ng Kapatid Network. Hindi lamang datung ang take home prize ng winner dahil mabibigyan din siya ng chance na makapag-aral ng libre sa sosyal at prestigious na Center for Culinary Arts (CCA).
Very happy ang mga contestant na carinderia owners sa tunay na buhay dahil nabigyan sila na mag-training sa CCA na isa sa mga major sponsor ng show. Hindi madali ang mag-enroll sa CCA dahil daan-daang libo ang tuition fee pero sulit na sulit dahil maraming matutunan ang mga mahilig sa culinary arts.
Fifi nina Tirso at Lynn nasa critical condition
Naka-relate ako sa emote kahapon ni Lynn Cruz dahil pareho kami na dog lover. Si Lynn ang loving wife ni Tirso Cruz III at malungkot siya dahil bigÂlang nag-seizure ang kanyang pet dog na si Fifi.
Naka-recover naman si Fifi pero nasa critical condition pa rin ang lovable dog ni Lynn. Ipagdarasal ko na malampasan ni Fifi ang mga pagsubok sa kanyang kalusugan.
- Latest























