^

PSN Showbiz

John Prats nagrebelde sa kanyang ama

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kuwentong punung-puno ng inspirasyon ang bibigyang buhay ng Kapamilya actor na si John Prats sa upcoming episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Abril 6).

Gagampanan ni John ang karakter ni Julius, isang lalaking nagrerebelde sa sariling ama na nalulong sa droga. Upang lumihis sa buhay na tinahak ng kanyang tatay, itutuon ni Julius ang kanyang oras sa pagtuturo at paglalaro ng iba’t ibang klase ng sports. Nang maatasan na bumuo ng isang football team sa kanilang lugar, makikilala ni Julius ang mga bata na mayroong iba’t ibang bisyo tulad ng kanyang ama. Paano nga ba maisasalba ni Julius ang mga bata sa parehong pagkakamali na muntik nang sumira sa kanyang buhay?

Bukod kay John Prats, tampok din ngayong Sabado sa MMK sina Nonie Buencamino, Tet­chie Agbayani, Bing Davao, Francis Magundayao, Jairus Aquino, Gerald Pesigan, Aaron Junatas, Philip Nolasco, at Andrei Garcia.

Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem Jor­dan del Rosario, panulat nina Mark Duane Angos at Arah Jell Badayos, at sa direksyon ni Mae Czarina Cruz. 

 

vuukle comment

AARON JUNATAS

AKEEM JOR

ANDREI GARCIA

ARAH JELL BADAYOS

BING DAVAO

FRANCIS MAGUNDAYAO

GERALD PESIGAN

JAIRUS AQUINO

JOHN PRATS

MAALAALA MO KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with