^

PSN Showbiz

PGT mas pinahirap, mga hurado pumayag magbilad sa arawan

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Mukhang pinahirap na talaga ang Pinoy Got Ta­lent. Kailangan pa nilang lumabas ng istudyo para ma-accommodate ‘yung mga nago-audition tulad ng mga car racers. Pinalawak kasi nila ‘yung mga talents na puwedeng mag-apply. Kung dati ay nasa mga singers at dancers lamang ang concentration nila, ngayon kahit sino at anong talent meron sila ay puwede na.

Sana nga makakita sila ng kakaiba at pambihirang acts para masulit ‘yung dagdag gastos sa show na kailangan kapag lumalabas sila.

Okay din sina AiAi delas Alas, Kris Aquino, at Freddie M. Garcia huh, kahit nasisikatan na ng araw, wala pa ring reklamo at bakit pamaypay lamang ang pangtakip nila sa sikat ng araw? Wala bang mas malaki-laking payong o pansamantalang bubong?

Mariz balik sa pagiging 100% na maybahay

Hindi lang naman sa kanyang trabaho bilang Optical Media Board chairman fulfilled at masaya si Ronnie Ricketts, masaya rin siya sa piling ng kanyang pamilya na naiintindihan ang kanyang trabaho, lalo na ang asawa niyang si Mariz na suportado ang demands ng kanyang  work kung kaya pinupunan nito sa kanilang dalawang anak ang mga panahon na wala si  Ronnie. Inaamin ng magandang maybahay na may kakambal na panganib ang trabaho ng asawa kaya bumabawi na lamang siya sa madalas na pagdarasal.

Ngayong nakumbinseng balikan ni Ron­nie ang paggawa ng pelikula, mala­king tulong din si Mariz dahil siya ang ku­­mokontrol ng budget ng The Fighting Chefs na pinagsososyohan nilang iprodyus ng Viva Films.

Tapos na ang pelikula at nakatakda nang ipa­labas sa March 6.

Babalik na muli si Mariz sa 100% na pa­gi­ging maybahay. Tumatanggap din siya ng trabaho bilang artista kapag nabibigyan ng pagkakataon.

Jessy Mendiola nag-improve ang hitsura

Ang laki ng improvement ni Jessy Mendiola, hindi lamang sa kanyang physical looks kundi maging sa kanyang pag-arte.

Hindi nakapagtatakang mahulog ang loob sa kanya ng kaparehang si Matteo Guidicelli. Hindi na ito nahihiyang ipangalandakan ang kanyang damdamin sa kanyang kapareha. Kitang-kita mo ang kanyang nararamdaman sa kanilang teleseryeng Paraiso. Kilig nga ang lahat ng nakakapanood sa kanila.

vuukle comment

FIGHTING CHEFS

FREDDIE M

JESSY MENDIOLA

KANYANG

KRIS AQUINO

MARIZ

MATTEO GUIDICELLI

OPTICAL MEDIA BOARD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with