^

PSN Showbiz

Camille inililihim ang relasyon sa member ng Volcanoes

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Parang kinilig naman si Camille Prats nang tanungin ko siya tungkol sa member ng Volcanoes na nali-link sa kanya.

Itinanggi ni Camille na nililigawan siya ni Kenneth Stern pero ang feeling ng televiewers, may something-something na ang dalawa.

Mabuti pa si Jennica Garcia, umamin agad na pupunta sila sa Boracay ng kanyang boyfriend na si Alwyn Uytingco. Ipagdiriwang nina Jennica at Alwyn ang Valentine’s Day sa Boracay.

Jackie Rice eklayera!

Ineklay ako kahapon ni Jackie Rice nang itanong ko ang name ng kanyang boyfriend nang mag-guest siya sa Startalk, pati ang mga co-star niya sa Bukod Kang Pinagpala.

Ang sagot ni Jackie, Android ang pangalan ng kanyang boyfriend. Tunog telepono ang name ng mhin pero may nagsabi sa akin na Andrew Lopez ang name ng karelasyon ni Jackie na nag-deny na nakikipag-live in siya. Okey!

Mark magaling na!

Magaling na si Mark Anthony Fernandez kaya nakapag-promote na siya kahapon ng Bukod Kang Pinagpala.

Absent si Mark sa presscon ng afternoon drama series ng GMA 7 dahil may lagnat siya.  Bumawi siya kahapon nang umapir siya sa Startalk para i-promote ang new show nila nina Camille, Jackie at Jennica.

resulta ng operasyon ni mother lily bukas malalaman

Bukas malalaman ang resulta ng biopsy sa  bukol na inalis sa baga ni Mother Lily Monteverde at ayon ito sa kanyang anak na si Roselle Monteverde.

Pumayag si Roselle na magsalita sa Startalk para malaman ng mga tao ang resulta ng operasyon sa kanyang ina na mother ng lahat, lalo na sa showbiz.

Puwedeng-puwede na magpa-opera si Mother sa Amerika pero napagdesisyunan nila ng kanyang pamilya na gawin ang surgery dito sa ating bansa na good decision din dahil maraming mahuhusay na doktor sa Pilipinas.

Nagpasalamat si Roselle sa lahat ng mga  nagdasal at nagdarasal para sa speedy recovery ni Mother. 

Kung Hei Fat Choi

Happy Chinese New Year sa ating lahat! Harinawang maging bongga at masuwerte tayong lahat sa pagpasok ng  taon ng Water Snake.

Happy New Year  uli at maraming salamat sa mga nagpadala sa akin ng tikoy!

 

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO

ANDREW LOPEZ

BORACAY

BUKOD KANG PINAGPALA

CAMILLE

HAPPY CHINESE NEW YEAR

HAPPY NEW YEAR

JACKIE RICE

JENNICA

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with