^

PSN Showbiz

Sarah nagsalita na sa hulang pagbubuntis!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Teary-eyed si Sarah Geronimo habang ipinagtatanggol ang ina sa mga bashers nito at nagsasa­bing si Mommy Divine ang pumipigil sa Pop Princess para magka-love life. Akala namin, tuluyang maiiyak si Sarah, nagawa lang pigilan ang sarili, pero halata ang pamumula ng mga mata.

“Huwag nilang isama ang parents ko, lalo na ang nanay ko sa mga nangyari. Ang sakit-sakit ‘pag bina-bash nila ang nanay ko, masyado nilang bina-bash, hindi nila alam ang mga pinagdadaanan namin,” pakiusap ni Sarah.

Kasunod nito, na-shock si Sarah sa hulang magbubuntis siya this year dahil wala nga naman siyang BF.

“Wow! parang after ng mga sinabi ko may ganyang hula? Agad-agad! Dapat may manliligaw muna na matiyaga, magka-BF then buntis. Sana marriage muna bago ako magkaroon ng anak  at sana mapangalagaan ko ang sarili ko.  Ayaw kong ma­­sa­yang ang pag-iingat sa akin ng parents ko,” sabi ni Sarah.

Samantala, 10 years na sa showbiz this year si Sarah at ang alam niya, may major concert siya sa July, her birthday month, hindi pa lang sure ang venue.  Wala pa siyang alam sa ibang planong selebrasyon ng Viva Films at ABS-CBN.

Kris bakasyon na agad ang iniisip habang nasa Amerika pa

Sa January 8 pa ang balik nina Kris Aquino at mga anak na sina Joshua at Bimby mula sa kanilang bakasyon sa Amerika. Hindi pa man nakakabalik, balak na ng TV host-actress na muli silang magbiyaheng mag-iina sa kanyang birthday sa February 14. Hindi pa lang nito napipili kung saan sila pupunta.

Ibinalita na ni Kris na this year, 12 times a week siyang mapapanood sa TV dahil five times a week ang Kris TV  at Kailangan Ko’y Ikaw  at twice a week ang Pilipinas Got Talent.

Nabanggit din ni Kris na si Gary Valenciano ang gusto niyang kumanta ng theme song ng Kailangan Ko’y Ikaw  at ang next movie niya, to be directed by Bb. Joyce Bernal ay mula sa script ni Chris Martinez at pagsasamahan nila ni Eugene Domingo.

Samantala, hindi namin alam kung ikatutuwa o ikalulungkot ang nabanggit ni Kris na hindi na siya sasali sa MMFF. Sagot nito sa tanong ng isang follower niya sa Twitter kung may entry siya sa MMFF this year: “Save this please. I’m done. Achieved 3rd in 2010, 2nd in 2011 and 1st in 2012.”

Magaling na character actress ginawang blind itemsa Twitter ang kasamahang parating late sa taping

Sino kaya sa kanyang co-stars sa isang top-ra­ting soap ang pinatungkulan ng isang magaling na character actress na cause of  delay ng kanilang taping? Tweet nito “I want to get paid to act and perform not to WAIT! Ugh! Same old story, what a waste of my time.”

Sinundan pa ito ng tweet na “Give me TVC then” at “Overtime pay should be enforced in TV taping, the way it is in TVC shoots.”

Sayang at hindi nagbigay ng clue ang magaling na aktres kung sino ang cause of delay at nagpahintay sa ibang cast, kabilang ang magaling na aktres.

GMAAC may bagong bossing na

Effective December 30, 2012 ang resignation ni Arsi Baltazar sa GMA Artist Center (GMAAC), pero mananatili raw  itong consultant ng Talent Management Unit ng GMAAC. Si Dave Fabros daw muna ang papalit sa iniwan nitong posisyon.

Magko-concentrate raw si Arsi sa business nito kasama ang kaibigang mahusay na designer na si Francis Libiran.

 

vuukle comment

AMERIKA

ARSI BALTAZAR

ARTIST CENTER

CHRIS MARTINEZ

EFFECTIVE DECEMBER

EUGENE DOMINGO

FRANCIS LIBIRAN

KAILANGAN KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with