^

PSN Showbiz

Kris pinagalitan ni P-noy!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Bukod sa marami ang nagulat sa halos ay sobra niyang pagpapakita ng cleavage dahil hindi lamang guhit kundi ang kabuuan na ng kanyang boobs ang nasilip sa kanyang suot na green gown kung kaya nangako ang presidential sister na si Kris Aquino na hindi na niya uulitin ang ganung pagpapaseksi. Tinawagan pa niya ng pansin ang mga gumagawa ng mga damit niya na huwag na siyang igawa ng kaparehong kasuotan.

Marami tuloy ang nagsabi na baka pinangaralan siya ng kanyang mga kapatid, at lalo na ni P-Noy, dahil mukhang sumobra siya ng pagpapakita ng mga dapat ay hindi makita sa kanyang katawan. Ano rin kaya ang say dito ni Bimby? Okay ba sa kanya ang pagpapaseksi ng kanyang mommy?

Maggie dela Rivera, Ana ng Fire magbabalik sa Be Alive

Sino ba ang mag-aakala na dalawang dating taga-showbiz ang makikita kong muli makaraan ang maraming taon na hindi pagiging aktibo bilang mga artista? Ito ay sina Ana Rivera ng dating singing duo na Fire at si Maggie dela Riva. Para namang walang nagbago sa dalawa, mukha pa rin silang hindi dinaanan ng panahon. Si Ana ay kumakanta pa rin na tulad ng ginawa niya nung magkita kami sa Christmas party ng kumpanya nilang Fo­rever Rich Philippines, Inc. (FRPI).

Kung walang nagbago sa boses ni Ana, nakakagulat naman ang ener­gy ni Maggie na nagsayaw ng isang Spanish dance na gumamit ng mahi­hirap na footsteps. Inamin niya na ilang araw bago ang party ay naka­ram­dam siya paninigas ng kanyang mga paa at binti at madaling pagkapagod pero nawala rin.

Nakita kong muli ang dalawang da­ting mga taga-showbiz dahil meron silang bagong programa sa GMA News TV, ang Be Alive. Silang dalawa ka­sama ang CEO ng FRPI na si Susan Barlin ay magsisilbing host ng 30 minutong program na mapapanood tuwing Linggo, simula Jan. 6 hanggang March 6, 9-9:30 a.m.

Ang Be Alive ay tungkol sa pagpapabuti ng buhay at pagbibigay ng pag-asa at karunungan at pag­papatibay sa ating paniniwala na mayroon tayong ka­pangyarihan na baguhin ang ating buhay. Isa itong health recovery program at lifestyle show na ang mga host ay celebrities at kilalang professionals sa medical field.

Sa pakikipag-usap sa tatlong lady host sinabi nila na gusto nilang palaganapin ang mga itinuturing nilang himala sa kanilang buhay. Lahat nito ay ikukuwento nila sa prog­ra­ma at dulot ng isang ekslusibong food supplement na maraming health benefit. Ito ang Laminine, isang kakaibang formula na nagbibigay ng kinakailangang protina at amino acid sa katawan. Tumutulong din itong mag-regenerate ng aging cells at ibi­nabalik ito sa dati nilang kondisyon.

Dingdong laging minemenos ang akting

Poor Dingdong Dantes, talaga bang hindi na siya puwedeng maging best actor nang walang mag­memenos ng kanyang award? Sa ginagawang pag­tawad ng sourgra­pers at poor losers sa kanyang victory ay para tuloy pina­lalabas nilang hindi siya karapat-dapat manalo.

Magaling naman si Dingdong sa One More Try. Dun lamang sa eksena na nag-meet sila ng anak niya ay sapat na para manalo siya.

 

vuukle comment

ANA RIVERA

ANG BE ALIVE

BE ALIVE

KANYANG

KRIS AQUINO

ONE MORE TRY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with