^

PSN Showbiz

Regalong ni-reject ni Lovi, itinatanggi na ni Rocco!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ngayon pa lang ay puspusan na ang paggawa ng mga float na paparada sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival sa Linggo.

May konting pagbabago ngayon ang parada ng MMFF dahil ginawa na itong Dec. 23. Magsisimula na ito sa Luneta, sa may Quirino Grandstand, at magtatapos sa SM-Mall of Asia.

Nabaligtad lang ang rota na dating ginagawa.

Nasilip namin ang ginagawang float ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako at mukhang ginastusan ito ng husto.

May labanan din kasi ng Best Float at mukhang may ilalaban itong pelikula nina Sen. Bong Revilla, Jr., Judy Ann Santos, at Vic Sotto.

PAK: Nagulat si Rocco Nacino nang klinaro namin sa kanya ang nakara­ting na kuwentong meron itong ipinadalang regalo kay Lovi Poe na ipinabalik ng huli.

Magkatabi sila nang tinanong namin nang humarap ito sa presscon ng mga afternoon drama ng GMA 7 na kung saan bahagi ang kanilang drama series na Yesterday’s Bride.

Nagulat din si Lovi dahil wala naman nakarating sa kanya na regalo mula kay Rocco.

“Nahiya nga ako, nagbigay na siya ng Christmas gift sa akin, ako wala pa,” pahayag ni Rocco.

Mamimili pa raw siya ng regalo sa mga katrabaho lalo na kay Lovi.

Ayaw namang sabihin ni Lovi kung ano ang iniregalo niya kay Rocco. Mabuting para sa kanilang dalawa na lang daw iyon.

BOOM: Muling nilinaw ni Aljur Abrenica ang isyu sa kanilang magulang na napapabalitang magkahiwalay pa rin talaga.

May tsismis pang si Aljur ay nasa mommy niya at si Vin Abrenica naman ay sa daddy niya.

Ayon kay Aljur: “Para po malinaw, sina mommy and dad, okay na po sila. Kung anuman ’yung nangyari nung nakaraan, konting tampuhan lang po.

“Pakiusap ko na lang po sana, huwag na po sana sila isama sa showbiz. May mga kapatid pa po akong maliliit, meron po kaming 16 at 13 years old na bata na hindi maiwasang naapektuhan sa mga balita.”

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BEST FLOAT

BONG REVILLA

ENTENG KABISOTE

JUDY ANN SANTOS

LOVI

LOVI POE

MALL OF ASIA

ROCCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with