^

PSN Showbiz

Ricky Reyes binigyan na ng sariling star

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagtatampok ng mga usapang angkop sa Kapaskuhan sa inyong paboritong GMA News TV lifestyle show na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh. May mga payo si Mader Ricky tungkol sa pamimili ng regalo na angkop sa inyong budget. 

“Unang-una’y gumawa ng listahan ng mga reregaluhan na nakalagay ang gender at edad. Tapos, mag-window shopping muna sa mga malls, tiyangge at iba pang pamilihan tulad ng Cubao, Quiapo, Divisoria, atbp at saka mamili. Mas mabuti na ‘yong di kayo masyo-short sa inilaan ninyong budget,” sey ni Mader.

At upang lalo kayong matulunga’y sasamahan kayo ng mga makukulit na sidekick ni Mader na sina Akira Lakwatsera at Chickidora sa mga lugar na maraming mabibili sa halagang kaya ng bulsa.

Magsa-Santa Claus muli ang beauty guru at lulunasan niya ang problema ni Jen Ponce na kinukutya at pinagtatawanan sa loob ng 26 taon dahil siya ay kalbo.  Abangan ang bagong Jen na may bagong buhok kortesiya ng host.

Marami nang awards na tinanggap si Ma­der at Hall of Famer na nga ang kan­yang TV show sa PMPC Star Awards for TV. Pero nung Disyembre 1 ay ibang galak ang nadama niya dahil isa siya sa mga ginawaran ng sariling star sa Walk of Fame sa Eastwood Entertainment Plaza. Mapapanood ang event na ito sa Sabado sa GRR-TNT alas nuwebe hanggang alas diyes nang umaga. 

Naging awardee rin sina Isko Moreno, Alfred Vargas, Roderick Paulate, Nova Villa, Ronaldo Valdez, Carlo Caparas, Lani Misaliucha, Pops Fernandez, Jean Garcia, Amy Austria, Ara Mina, Al Quinn, Rio Locsin, Alma Moreno, Ricky Lo, Dennis Trillo, Anthony Castelo, Lucy Torres at ang mga yumaong sina Rosa Mia, Angelo Castro Jr at Marilou Diaz Abaya.

vuukle comment

AKIRA LAKWATSERA

AL QUINN

ALFRED VARGAS

ALMA MORENO

AMY AUSTRIA

ANGELO CASTRO JR

ANTHONY CASTELO

ARA MINA

CARLO CAPARAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with