Wally at Jose lilipat ng ibang network?!
Pupunta sa London, England sina Wally Manalo at Jose Bayola sa linggong ito dahil may show doon ang Eat Bulaga.
Bago sila umalis, nag-taping muna ang dalawa para sa Celebrity Bluff at pupunta pa sila sa presscon ng kanilang coming soon movie, ang D’ Kilabots, Pogi Brothers...Weh?!
Hindi na talaga maabot sina Jose at Wally dahil bonggang-bongga ang takbo ng showbiz career nila, thanks to Eat Bulaga na nagbigay ng malaking break sa kanila.
Ang balita ko, magkakaroon ng bagong TV show sina Wally at Jose pero sa ibang TV network. Sosyal sila ’di ba? Daig nila ang ibang mga artista dahil nakakatawid sila sa ibang TV station.
Eugene proud sa celebrity bluff
Hindi lamang si Mel Tiangco ang magbabalik-telebisyon via Magpakailanman dahil balik-GMA 7 din si Eugene Domingo bilang host ng bagong game show ng Kapuso Network, ang Celebrity Bluff.
Inaasahan na maaliw ang televiewers sa Celebrity Bluff dahil kasama rito sina Wally Bayola at Jose Manalo bilang mga celebrity bluffer.
Proud sina Eugene, Jose, at Wally sa pagsasabi na original Pinoy ang concept ng Celebrity Bluff na mamimigay ng limpak-limpak na kadatungan sa mga weekly contestant .
Ilang beses nang nag-dry run ang mga host at production staff ng Celebrity Bluff para matiyak nila na pulido ang kanilang pilot episode na ipapalabas sa susunod na Sabado, Nov. 17.
Kylie naudlot na naman kay Dingdong
Hindi ko pa alam kung sino ang ipapalit ng GMA 7 kay Kylie Padilla na nag-back out sa Pahiram ng Sandali dahil hindi pa siya ready na gumanap sa isang adult role.
Ito ang pangalawang beses na nagkaroon ng isyu sa primetime show na pagsasamahan sana nina Kylie at Dingdong Dantes. Sila ang magkapareha sa Haram, ang teleserye na hindi natuloy dahil sa desisyon ng GMA 7 management na i-shelve ang project.
Ang Pahiram ng Sandali ang ipinalit sa Haram at kasama sa cast si Lorna Tolentino. Hindi pa rin matutuloy ang pagsasama nina LT, Dingdong, at Kylie sa isang drama series dahil umatras ito.
Iginalang ng GMA 7 ang pasya ni Kylie dahil mahirap naman na ipilit sa kanya na gawin ang isang project na labag sa kalooban niya.
I’m sure, anytime soon, maglalabas ng official statement ang GMA 7 tungkol sa bagong development sa Pahiram ng Sandali. Marami sa mga young actress ng GMA Artist Center na kaliga ni Kylie ang puwedeng ipalit at i-build up ng Kapuso Network. Sila ang mga young actress na naghihintay lamang na ma-discover at mabigyan ng big break.
Yasmien Kurdi nami-miss ang showbiz pero seryoso sa pag-aaral
Nami-miss ni Yasmien Kurdi ang pagkanta at pag-arte pero hindi pa siya puwedeng maging active uli sa showbiz dahil priority niya na makatapos ng pag-aaral.
Normal na normal ang buhay ngayon ni Yasmien. Ordinaryong nursing student siya na nakikita na naglalakad, sumasakay sa jeep, at may on-the-job training sa mga ospital.
Talented si Yasmien kaya malaki ang chance na makabalik siya sa showbiz, kung gugustuhin niya. Kabilang si Yasmien sa mga artista na nakakabilib dahil pinili nila na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral para magkaroon ng college degree.
- Latest
























