^

PSN Showbiz

Magkarelasyong showbiz parehong suma-sideline sa iba habang mag-on pa! Regine at Ogie bubuo ng second baby sa amanpulo!

PIK PAK BOOM - Pilipino Star Ngayon

PIK : May bagong advocacy si Bela Padilla para sa kababaihang naabuso dahil sa Magdalena.

Kamakailan lang ay dumalaw ito sa Women’s Crisis Center ng East Avenue Medical Center para magbigay ng tulong sa mga kababaihang nabiktima nang pang-aabuso.

Masaya siya dahil kahit paano ay may naitulong naman daw siya sa mga kababaihang ito. Kaya magiging advocacy na raw niya ito at ituluy-tuloy na raw niya ang pagtulong sa mga babaeng nabiktima ng pang-aabuso.

PAK : Naloka kami sa ugali nitong female celebrity nang nalaman niyang nagloko ang boyfriend niya, ginantihan niya ito nang panloloko rin.

Kaya lang duda pa lang iyun at tsismis pa lang, naniwala agad kaya pinag-isipan niya itong gantihan.

Ang masama pa kay female celeb, kinukuwento pa niya kaya nakarating sa karelasyon niyang isang kilalang aktor.

Kaya lalong tumabang ang pagtingin sa kanya ng boyfriend nito at tuluyan na silang naghiwalay.

Pagkatapos nilang maghiwalay, doon lang sila nagkaalaman na hindi lang pala minsan kundi ilang beses ding nagloko si female celeb at tinalbugan pa ang boyfriend na bongga rin ang panloloko. Kumbaga, patas lang sila.

BOOM: Sinorpresa ni Ogie Alcasid si Regine Velasquez ng bakasyon sa Amanpulo bilang regalo nito sa 25th anniversary ni Songbird sa showbiz.

Pagkatapos daw ng concert nito sa SM-MOA Arena sa November 16, aalis sila pa-Amanpulo para magbakasyon ng ilang araw.

Doon na kaya nila sundan si Baby Nate? Natawa si Ogie, pero sinabi nga niyang gustung-gusto na raw ni Regine na magkaroon ng kapatid ang kanilang baby na isang taon na.

Sabi naman ni Regine, pagkatapos daw niyang magpa-check-up, sinabi naman daw ng doktor na puwede pa raw talaga siyang mabuntis.

 

 

 

 

vuukle comment

AMANPULO

BABY NATE

BELA PADILLA

CRISIS CENTER

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

KAYA

LANG

OGIE ALCASID

PAGKATAPOS

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with