^

PSN Showbiz

Angelica: ang bilis magpalit!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

The last time it was Derek Ramsay, ngayon si John Lloyd Cruz ang magsasayaw kay Angelica Panga­niban sa kanyang birthday celebration sa Banana Split Extra Scoop.

Isa lamang sa apat na original cast ng BS si Angelica na unang kinonsepto ni Edgar Mortiz na maging isang all girl cast.

He changed his mind at kumuha na rin ng mga artistang lalaki.

Piolo tambak ang trabaho sa Kapamilya

Hindi naman nawawalan si Piolo Pascual ng proyekto sa ABS-CBN, bagaman at may ilang panahon na rin ang nakakaraan after Dahil Sa Pag-ibig na pinagsamahan nila nina Jericho Rosales, Cristine Reyes, Maricar Reyes at Christopher de Leon. Kasalukuyan na niyang ginagawa ang isa pang teleserye na pamalit dito at isa pa ring pelikula. Busy siya, walang dahilan para siya makaramdam ng insecurity. Idagdag mo pa na halos buhos ang panahon niya sa pagsasanay para sa kanyang sport na triathlon.

But then, come to think of it, Coco Martin is having the time of his life. Pero ibigay na natin sa kanya na panahon niya ngayon. Matagal din naman niyang hinintay ito. Hindi ito dumating sa kanya sa loob ng isang gabi lamang. Matalino naman si Piolo, aware siya sa kaganapan sa showbiz. He may probably entertain the thought ng paglipat pero, at the end of the day, alam niyang walang makapag-aalaga ng kanyang career na sing-ganda ng ABS-CBN.

MMK consistent na iniiyakan

Pagdating sa pagbibigay ng magandang panoorin sa TV, biased ako, hindi ko ipagpapalit ang Maalaala Mo Kaya. Sa PMPC (Philippine Movie Press Club) nga pang-tanggal namin ng pagkainip ang pagsi­singit ng mga episodes ng MMK kapag may review kami para  sa Star Awards for TV. Enjoy kami kapag napapaiyak kami ng show which is almost always. Buti na lang na-elevate na ang show sa Hall of Fame kundi baka maparatangan pa kaming playing favorites.

Bukas, isa na namang kaabang-abang na kuwento ang mapapanood sa MMK, isang love story sa pagitan ng dalawang may edad ng mga tao na ginagampanan nina Gina Pareño at Dante Rivero. Binigyan ang istorya ng anggulong comedy kaya naman makasisiguro ang mga manonood ng isang nakatutuwa at nakakakilig na palabas. If you think na hindi na maaring magpakilig ang dalawang nag-iibigang matanda na naging mag-first love pero, ‘di kinasiyahan ng kapalaran, pwes nagkakamali kayo.

Nabigyan pa ng kissing scene ang dalawa na sa taping pa lamang ay riot na dahil both actors are sure na kakayanin nilang madali ang eksena.

Kasama nga pala sa MMK episode bukas ang anak ni Gina na si Jennica Pareño.

vuukle comment

ANGELICA PANGA

BANANA SPLIT EXTRA SCOOP

COCO MARTIN

CRISTINE REYES

DAHIL SA PAG

DANTE RIVERO

DEREK RAMSAY

EDGAR MORTIZ

GINA PARE

HALL OF FAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with