^

PSN Showbiz

Dahil sa galit sa talakerang ina, young actor nasuntok ang CR!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK : Pinaghandaan at masaya ang mapapanood sa Party Pilipinas kung saan tampok ang mga paboritong kanta at performance ng mga mainstays nito. Sundan ang pamimigay ng suwerte ni Ninong Manny Pacquiao sa Manny,­ Many Prizes.

Kasunod nito ang mga kakaibang kuwento lalo na ang mga Tiktik stories sa Hot TV.

Kinagabihan naman ay ang entertaining at informative na kuwento ni Sen. Bong Revilla sa Kap’s Amazing Stories na susundan ng mga matinding production number na pinaghandaan ng anim na protégés sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break.

PAK: Nagkaroon ng tensiyon sa pictorial ng ilang young stars nang hindi napigilan ng kilalang young actor na suntukin ang dingding ng CR ng studio.

Doon lang niya inilabas ang matinding inis sa kanyang nanay na nagtalak sa kanya ng bonggang-bongga bago ito pumunta ng pictorial.

Ang ikinasama ng loob ni young actor, umaga na siya umuwi galing taping, talak lang ang sinalubong ng kanyang ina. Kahit sabihin pa raw na may nagawa siyang kasalanan, sana pinagpahinga man lang muna siya dahil kagagaling lang nga naman ng pictorial.      

Pagkagising nito ay itinuloy pa ni mader ang talak kaya mainit ang ulo nito pagdating ng pictorial.

Pagkatapos niyang ilabas ang inis, humingi naman siya ng sorry sa photographer na nagtaka sa nangyari.

BOOM: Matinding panghihinayang ang naramdaman ni Joross Gamboa nang nalaman niyang hindi na pala siya kasali sa bagong drama series ng ABS-CBN 2 na Bukas na Lang Kita Mamahalin.

Sinabihan si Joross na pagkatapos ng Kahit Puso’y Masugatan ay ito ang kasunod at may instruction pa nga sa kanya na magpagupit ng buhok.

Hanggang sa nalaman na lamang niya sa kanyang manager na si Noel Ferrer na hindi raw pala kumportable si Cristine Reyes na makatrabaho siya.

Nagulat si Joross dahil pagkatapos nilang mag-break ni Cristine ilang taon nang nakaraan, nakatrabaho na niya ito sa Eva Fonda, at kamakailan lang ay nagkita pa nga raw sila sa isang mall, at okay naman daw sila. Bakit daw biglang hindi na naging kumportable?

Hanggang sa nalaman nilang kasali na pala sa cast si Rayver Cruz. 

vuukle comment

AMAZING STORIES

BIG ARTISTA BREAK

BONG REVILLA

CRISTINE REYES

EVA FONDA

HANGGANG

JOROSS

JOROSS GAMBOA

KAHIT PUSO

LANG KITA MAMAHALIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with