Rhian handa nang maghubad!
PIK: Lalong naging masalimuot ang kuwento ng Sana ay Ikaw na Nga, lalo na’t nagkaharap na sina Cecilia (Andrea Torres) na nagpakilalang si Margarita at si Olga (Chynna Ortaleza) na magpapanggap na si Cecilia. Nangangamoy away ang paghaharap nila lalo na’t parang may nararamdamang kakaiba si Carlos Miguel (Mikael Daez) kay Margarita na ikinairita ni Olga. Panoorin ngayong araw ang mainit na tagpong ito sa GMA Afternoon prime.
PAK: Deretsahang itinatanggi ni Dingdong Dantes ang pagkaka-link nito kay Isabelle Daza na hindi pa rin mamatay-matay ang isyu nilang dalawa. Straight siya sa relasyon nila ni Marian Rivera at lalo raw naging strong ang kanilang pag-iibigan. Hindi nakakaapekto ang ganitong intriga dahil nandiyan na ang tiwala nila sa isa’t isa.
Kahit si Marian ay ayaw na ring patulan pa ang intrigang ito, kaya hindi na siguro kailangang palakihin pa.
Si Lovi Poe ang leading lady ni Dingdong sa Tiktik: The Aswang Chronicles na kapatid ni Isabelle sa manager nilang si Leo Dominguez. Pero dedma si Lovi sa ganung intriga dahil wala naman siyang alam.
Ang duda namin, galing lang naman ito sa kampo ni Isabelle, at hindi nga lang puwedeng i-link si Lovi kay Dingdong dahil kaibigan nito si Marian.
BOOM: Iniiwasan na ni Rhian Ramos na pag-usapan pa ang pagkaka-link kay KC Montero.
“Exclusively dating” pa rin ang masasabi niya sa relasyon nilang dalawa at wala naman silang problema at hindi na kailangang pag-usapan pa.
Mas gusto ni Rhian na mag-concentrate sa trabaho niya lalo na’t kapipirma nito ng renewal ng kontrata sa GMA 7 nung kamakalawa ng hapon. Iyon daw ang magandang birthday gift na natanggap niya. Kasi-celebrate lang ng young actress ng kanyang 22nd birthday at gusto niyang makasama lang ang kanyang pamilya.
Inamin naman niyang isa si KC sa bumati sa kanya at nagbigay ng regalo pero ayaw niya sanang sabihin kung ano ang iniregalo sa kanya.
Pero naikuwento rin niyang isang mountain bike ang iniregalo nito sa kanya dahil alam nitong gusto niyang matutong mag-bike.
Isa sa birthday wish pa ni Rhian ay makagawa ng maraming pelikula at nakahanda raw siya sa mga daring roles at maghubad kung kinakailangan sa kuwento. Pero kung sakaling magpaka-sexy siya, dapat paghandaan muna niya dahil gusto naman niyang meron naman daw siyang may maipapakita.
- Latest





















