^

PSN Showbiz

Paolo feel nang maging single uli

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Ikikuwento ni Regine Velasquez sa HOT TV ang mga kaganapan sa nakaraang bakasyon ng buong pamilya sa Singapore kamakailan lang.

Very memorable ang bakasyong iyon na kung saan doon nagkita sina Nate at ang mga ate niyang sina Sarah at Leila, kasama ang ninang ng bata na si Michelle Van Eimereen.           

Sabi nga ni Ogie Alcasid, isa ’yun sa pinakamasaya at pinaka-blessed na bakasyon ng buong pamilya.

Abangan ito sa HOT TV mamayang hapon pagkatapos ng Manny, Many Prizes.

PAK: Hindi naman natuloy ang guesting nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa bagong programa ni Regine na Sarap Diva.

Biglang nagkaroon ng problema sa taping ng Luna Blanca kaya hindi pinayagan ang aktres na mag-taping.

Pero nangako naman ang dalawa na itutuloy nila ito dahil doon nila ikikuwento kung ano talaga ang mga namamagitan sa kanilang dalawa at kung ano paborito nilang kinakain tuwing nagdi-date o nagmi-meeting silang dalawa.

Kakaiba ang format nitong cooking show ni Regine na Sarap Diva dahil mas lamang ang tsismisan kesa lutuan.

Magsisimula ito sa Oct. 6 bago mag-Eat Bulaga.

BOOM: Itinatanggi ng kampo ni Jennylyn Mercado ang intrigang nagkakalabuan sila ni Luis Manzano.

Nagsimula ito nang masangkot si Jennylyn sa hiwalayang Paolo Contis at Lian Paz.

Hindi pa rin mamatay-matay ang isyung iyon, na iniiwasan na lang ng aktres na pag-usapan.

Si Paolo naman ay ayaw na ring pag-usapan pa ang isyung hiwalayan dahil maayos naman silang nagkakausap ni Lian tungkol sa kanilang mga anak.

Pero pagdating sa kanilang dalawa, mukhang malabo na silang magkaayos para magkabalikan. Ayaw nang idetalye pa ni Paolo, mukhang gusto na niyang maging single uli.                                               

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

EAT BULAGA

HEART EVANGELISTA

JENNYLYN MERCADO

LIAN PAZ

LUIS MANZANO

LUNA BLANCA

MANY PRIZES

SARAP DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with