Secret affairs
TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis (The Philippine Star) - September 30, 2012 - 12:00am

Aktres naloka nang madiskubreng naka-affair ng kanyang lover ang bold star

Maraming mga artista ang makaka-relate sa A Secret Affair ng Viva Films dahil sa kanilang mga secret na pakikipagtsugihan.

Actually, hindi secret affair ang tawag sa kanilang mga sikreto dahil nalalaman ito ng mga tao.

May mga artista kasi na hindi discreet at kung ma­ingat man sila ay nabubuking ang kanilang mga drama dahil sa popularity nila.

Merong mga artista na hindi marunong magtago ng sikreto dahil sila ang nagtsitsismis sa kanilang sarili. Proud pa sila na ikuwento na natsugi nila si ganito at ganireng artista.

For example, naloka ang isang aktres nang malaman nito na naging lover ng bold star ang aktor na minahal niya noon ng todo.

May reason para maloka ang aktres dahil wala siyang kamalay-malay na nagkaroon ng relasyon sa kanyang ex-lover ang bold star.

Nawindang ang aktres dahil nag-guest ang bold star sa kanyang show at dito inamin ng hitad ang secret affair sa aktor.

Hindi malaman ng aktres ang magi­ging reaksiyon pero knowing her, lalong nawala ang love at respect niya sa kanyang ex-dyowa. Kumustahin naman natin ang secret affair ng guwapong aktor sa male model na nag-iilusyon din na maging artista.

Hindi nagtagal ang tsugihan portion ng dalawa pero kung kailan hindi na sila nagkikita, saka pumutok ang tsismis at lumabas ang kanilang mga picture.

Dedma ang aktor sa mga intriga na kumukuwestiyon sa gender niya. Ginaya niya ang drama ng another actor na walang time na i-dignify ang mga gay issue na ibinibintang sa kanya.

Haram papalitan agad

Hindi na secret ang isyu na hindi na itutuloy ng GMA 7 ang Haram, ang primetime show na comeback sana ni Lorna Tolentino sa Kapuso Network.

Hindi dapat malungkot ang fans nina Lorna at Dingdong Dantes dahil siguradong may kapalit ang Haram na isa sana sa pinakakontrobersiyal at aabangan na drama series ng GMA 7.

Hit song ni Kuh ginamit ni Bela

Ang Dito Ba ang ginamit na theme song sa audio-visual presentation ng Magdalena, ang afternoon drama series ng GMA 7 na magsisimula sa Oct. 8.

Hit song ni Kuh Ledesma ang Dito Ba pero ’di pa sure ang production staff kung ’yon ang official theme song ng afternoon soap na tinatampukan ni Bela Padilla.

A SECRET AFFAIR ANG DITO BA BELA PADILLA DAHIL DINGDONG DANTES DITO BA KAPUSO NETWORK KUH LEDESMA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with