^

PSN Showbiz

Staff tuwang-tuwa kilala at kontrobersiyal na aktres na naghanap ng doktor sa kalagitnaan ng taping, hindi na uli nagkatrabaho!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Pagkatapos ng guesting ni Maricel Soriano sa Protégé: The Battle For the Big Artista Break, guest naman ito ngayon sa HOT TV na kung saan makaka-one on one nito ang best friend niyang si Roderick Paulate.

Magkakaroon kaya ito ng show sa GMA 7? Isa ito sa mga kaklaruhin ng Diamond Star na gusto nang magpaka-active ngayon sa trabaho.

Bukod kay Maricel, tampok din sa HOT TV ang maganda at seksing babae na tinaguriang Tari girl. Siya ang kilalang taga-tari sa mga sasabunging manok na matagal na pala niyang propesyon.

May kuwento rin sila sa pamilyang lintik na mga taong nakaligtas sa tama ng kidlat.

Ilan lamang ito sa mga kakaibang kuwentong ilalahad nina Regine Velasquez, Roderick, Raymond Gutierrez, at Jennylyn Mercado ngayong araw pagkatapos ng Manny, Many Prizes.

PAK: Ngayon lang namin nalamang talagang isinumpa na ng mga dating katrabaho itong kilala at kontrobersiyal na aktres dahil sa demands nito sa taping na hindi nila kayang i-produce.

Minsan sa taping na out-of-town location, biglang humingi ang aktres ng doktor dahil meron siyang gustong ipaturok na gamot.

Hatinggabi na raw noon at hindi sila basta-bastang makahugot ng doktor sa ospital dahil sa disoras nga ng gabi.

Ayaw naman niyang pumunta ng ospital at baka makita siya ng mga tao roon, magkagulo pa.

Kaya naloloka ang staff dahil gusto nitong merong doktor agad na dumating sa set para turukan siya ng pampakalmang gamot.            

Hindi naman basta-bastang magtuturok ang doktor dahil kailangan pa nilang alamin kung kailangan ba talaga. Pero ayaw tumigil ng aktres, nagtatalak na sa set dahil sa wala pang doktor na dumarating.

Sa loob-loob ng production staff, iyon na ang huling project nila sa nakakaimbiyernang aktres. ’Di baleng mabakante na lang sila basta huwag lang nilang makatrabaho uli ang aktres.

Kaya parang nakahinga sila nang maluwag nang nalaman nilang hindi ni-renew ang kontrata niya.

BOOM: Nakakaintriga na naman ang ilang ipinoste ni Sharon Cuneta sa kanyang Twitter account kamakailan lang.

“So many sad things happening one after the other that I am left with too many questions now... Like why must a baby be made to suffer before being taken away by the ‘angels’ from us? Why does a good friend have cancer?

“Please pray for me. Am so tired that my own light is dimming... ‘Question: Am I happy? Answer: Not at all.’”

Humihingi na naman ng dasal ang Megastar pero sana maiisip naman

niyang marami pa tayong kailangang ipagdasal sa dami ring pinagdaanan ng ating bansa.

vuukle comment

AM I

BATTLE FOR THE BIG ARTISTA BREAK

DIAMOND STAR

JENNYLYN MERCADO

KAYA

MANY PRIZES

MARICEL SORIANO

RAYMOND GUTIERREZ

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with