^

PSN Showbiz

Angeline ini-enjoy na ang pag-arte

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Mamayang gabi ay kakaibang Angeline Quinto ang mapapanood nating lahat sa telebisyon.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap ang singer sa isang kakaibang istorya ng Maalaala Mo Kaya.

Gagampanan ni Angeline ang papel ni Carina na mula sa tribo ng mga Bagobo at napaibig sa isang Ilonggo na gagam­panan naman ni Jason Abalos.

May mga tutol o hadlang sa pag-iibigan nina Angeline at Jason pero paano kaya nila malalampasan ang mga ito?

Kaabang-abang ang bawat eksena ni Angeline sa nasabing episode dahil makikita talaga natin ang husay ng dalaga bilang isang aktres. Makakasama rin nina Angeline at Jason sa nasabing episode sina Alex Castro, Tanya Gomez, Bing Davao, Eva Darren, Tom Olivar, Isabel Lopez, at marami pang iba.

Matatandaang nakaga­wa na rin ng isang pelikula ang dalaga ka­makailan ka­­sama si Coco Martin.

Mukhang nag-e-en­joy na rin si Angeline sa pag-arte kaya posibleng masundan pa ang kanyang mga acting projects

Angel magho-host ng interior design show kahit walang background sa interiors

Muling tumanggap ng isang kontrabida role si Angel Aquino. Kasama ang actress/host sa pinakaaabangang bagong teleserye nina Piolo Pascual, Angelica Pangani­ban, at Diether Ocampo na Apoy sa Dagat. “If Angelica is already there as the bida, she needs a kontrabida and that’s me,” bungad ni Angel.

Samantala isang bagong interior design show naman ang ginagawa rin ngayon ni Angel sa Lifestyle Network, ang Interior Motives. Hindi raw siya makapaniwalang siya ang napiling host para sa nasabing show. “I was quite unsure if they really wanted me because I didn’t know anything about interiors. I don’t have background in interior design. But then I realized I am someone who appreciates these beautiful things, that is the strength that I can bring to the show. I love beautiful interiors,” paliwanag ni Angel.

Tamang-tama raw ang pagdating sa kanya ng bagong proyekto lalo pa’t nagtapos na sa ere ang Us Girls na nagtagal naman ng anim na taon.

Kahit walang background sa interior design ay gumagawa naman daw ng paraan si Angel para maging pamilyar dito. “I had to read up interior design magazines, architectural magazines, just so I can familiarize myself with the jargon. I had to know, how they describe texture and color. I had to brush up on that,” giit ng aktres.

“I do what I can in my house. In my room at least, I choose the artwork that should be up on the walls. I live with my mother so of course, she rules in the house,” dagdag pa ni Angel.

Marami na raw siyang natututunan ngayon dahil sa bagong show na kanyang nagagamit sa personal na buhay at bahay. - Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ALEX CASTRO

ANGEL

ANGEL AQUINO

ANGELICA PANGANI

ANGELINE QUINTO

BING DAVAO

COCO MARTIN

DIETHER OCAMPO

EVA DARREN

IF ANGELICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with