Showing ng Bourne Legacy nasabay sa matinding ulan at baha!
SEEN : Kasama si Paolo Bediones ng Rescue5 sa pagtulong kahapon sa mga tao na naapektuhan ng baha sa Quezon City area.
SCENE: Replay kahapon ang Eat Bulaga. Hindi naman napanood ang Showtime.
ABS-CBN dahil sa baha at masungit na panahon.
SEEN : Nagtatrabaho bilang high-end condo building sales agent si Prince Stefan dahil hindi pa siya nabibigyan ng TV project.
Contract star si Prince ng GMA Artist Center.
SCENE : Showing ngayon sa mga sinehan ang The Bourne Legacy. Hindi pa sigurado kung titigil na ang malakas na ulan at grabeng pagbaha.
SEEN : Over the top at hindi makatotohanan ang pang-aapi ni Gladys Reyes sa batang Alex Gonzaga sa mga eksena nila sa Enchanted Garden.
SCENE : Ang report ng Box Office Mojo International sa box office result ng mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong July 25 hanggang July 29:
- Latest




















