^

PSN Showbiz

Bakbakang Muñoz at Weidman sa UFC ipalalabas na

- The Philippine Star

Manila, Philippines -  Mapapanood ang laban ni Mark Muñoz, ang tinaguriang Filipino Wrecking Machine kontra Chris Weidman ngayong Sabado, sa ikatlo at huling yugto ng three-part documentary na UFC sa ABS-CBN: Mark Muñoz, The Ultimate Pinoy Fighter.

Hinarap ni Muñoz ang Amerikanong kalaban noong Huwebes (July 12) sa UFC sa Fuel TV 4. Alamin kung ano ang kinalabasan ng mainit na bakbakan sa pagitan ng dalawang malakas na Ultimate Fighting Championship (UFC) fighter.

Kasama sina Luis Manzano at iba pang UFC panelists, hihimayin nila ang nangyari sa laban, at ang pagkakapareha at pagkakaiba ng kanilang mga istilo.

Mayroon din eksklusibong panayam kay Muñoz tungkol sa nangyaring laban via phone patch.

Kilala si Muñoz sa kanyang “ground-and-pound” samantalang magaling sa pinaghalong wrestling at jiu-jitsu si Weidman.

Sino ang mananaig sa loob ng Octagon. Alamin sa UFC sa ABS-CBN: Mark Muñoz, The Ultimate Pinoy Fighter ngayong Sabado (July 14), 11:30 p.m. sa ABS-CBN na may mga replay bukas Linggo (July 15), 9:30 p.m. sa Studio 23 at sa Linggo (July 15), 4:00 p.m. at Lunes (July 16), 10:00 p.m. sa Balls.

vuukle comment

ALAMIN

AMERIKANONG

CHRIS WEIDMAN

FILIPINO WRECKING MACHINE

LINGGO

LUIS MANZANO

MARK MU

SABADO

ULTIMATE FIGHTING CHAMPIONSHIP

ULTIMATE PINOY FIGHTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with